Aiko Melendez files libel complaint vs Zambales vice governor

by Arniel C. Serato
May 7, 2019
Aiko Melendez to Zambales Vice Governor Angelica Magsaysay-Cheng: "Babae ka din tulad ko, Ina ka dn tulad ko. Sana di mangyari at bumalik lahat ng gawain mo syo. Dahil yun ang pinaka masakit... Karma ay totoo."
PHOTO/S: File / PEP.ph source

Pormal nang sinampahan ng reklamong libel ng aktres na si Aiko Melendez ang vice governor ng Zambales na si Angelica "Angel" Magsaysay-Cheng.

Isinumite ng aktres ang kanyang reklamo sa Olongapo Regional Trial Court (Olongapo-RTC) bago magtanghalian ngayong Martes, May 7.

Nag-ugat ito sa tahasan diumanong pagpangalan kay Aiko ng kampo ng bise gobernadora bilang “sangkot sa droga” sa ilang public film viewing sa kasagsagan ng kampanyahan sa Zambales.

Continue reading below ↓

Nakasama ang boyfriend ni Aiko na si Subic Mayor Jay Khonghun at ang ama nitong si Zambales First District Congressman Jeffrey Khonghun sa 46 local executives na nakatala sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte, ng Department of Interior and Local Government (DILG), at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Mariin itong pinalagan ng mga Khonghun.

Si Aiko ay kasalukuyang kumakampanya para sa boyfriend na si Jay, na tumatakbo bilang bise gobernador ng Zambales.

Nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng limang-pahinang Complaint-Affidavit ni Aiko.

Nakasaad dito: “On or about MAY 2, 2019, in Subic, Olongapo, Zambales, Complainant discovered that respondent Magsaysay-Cheng created a mobile video exhibition with online postings on Facebook.com, containing false, libelous, and defamatory accusations against herein complainant…”

Kalakip nito ang ilang screenshots ng Facebook posts umano ni Magsaysay-Cheng.

Continue reading below ↓

Ang mga akusasyong ito ay labis daw nakasira sa reputasyon ni Aiko, lalo pa't taun-taon siyang nagpapa-drug test na nagpapatunay na hindi siya nagda-drugs.

Nakasaad pa sa Complaint-Affidavit ni Aiko: “The above-quoted defamatory imputations are false and inherently malicious, because it caused dishonor, defamation, embarrassment, and public humiliation to complainant.

"It indubitably constitutes assassination of character, and subject to criminal prosecution."

Dahil daw sa mga ginawang ito ng respondent, "complainant suffered and will continue to suffer serious anxiety, fear, embarrassment, ridicule, and public humiliation. Clearly, complainant will suffer serious and irreparable injury."

CRYPTIC POSTS

Nitong nakaraang Linggo, May 5, sunud-sunod ang posts ni Aiko sa kanyang Facebook account.

Hindi man pinangalanan, binanggit ng aktres ang “vice governor” sa kanyang mga post.

Dito ay sinagot din ni Aiko ang mga paninirang ibinabato sa kanya.

Sabi niya sa unang post: “Tama pa ba tng mga nakikita ko?

"Ganito na ba talaga kadumi ang pulitika mo madam vice Governor?

Continue reading below ↓

"Sinend na sa akin lahat ng mga posts at me video na ako na pati ako sinangkot mo sa droga.

"Pinapakita mo sa film showing mo po. Picture ko at nakalagay Sangkot ako sa droga.

"Malinaw na malinaw ang video na hawak ko. At post mo po mismo sa Facebook mo kasama ung TV at picture namen ni @jaykhonghun Parang sobra naman na talaga po kayo.

"Ang tanong ko lang? Kung ako na artista eh kaya mo wasakin ang pangalan na inaalagaan ko ng pagkatagal tagal, Paano pa kaya ang ordinaryong tao ng zambales???

"Asan ebidensya mo?! Maglabas ka po. Puro ka paninira.

"Nakakatakot kapag ikaw ang manalo uli na Vice Governor kayang kaya mo mangwasak ng dignidad ng tao po ng ganun ganun lang para sa sarili mng kapakanan.

"Hindi nyo na naisip me mga anak po ako. At hindi naman ako ang kalaban mo po sa pulitika.

"Yearly nagpapadrug test ako dhl naka ugalian ko yan para maging ehemplo ako sa mga kasamahan ko sa industriya na magpadrug test dn.

Continue reading below ↓

"Pero ano po ginagawa mo?! Binababoy mo pagkatao ko po.

"Ganyan po kayo kadesperada manalo? Manira ng kapwa? I would understand if you hit hard on Jay kasi sya kalaban mo but to drag my name on something iam not guilty and innocent of, ibang usapan na po to.

"Pag ako tama pinaglalaban ko po yan hindi ko po to mapapalampas.

"Sino ka para tawagin akong Sangkot sa droga? Pinagbigyan na po kita paulit ulit.

"Pero ayaw mo po tumigil. Zambales kayo na po humusga tama pa ba ang ginagawa nya?! Kng ako kayo ano dapat ang gawin ko dito?"

Continue reading below ↓

Kasunod nito, sinabi ng aktres: “Kung kaya mo gawin sa akin to? Paano pa kaya ung ordinaryong tao ng zambales??? Grabe na ang pang aapi mo sa amin. Pati ako kasama na pala.."

Sabi pa ni Aiko sa isang post: “Yan ang laman ng film showing at posts nya...

Continue reading below ↓

"Tama ba to? Kng kaya mo gawin sa akin to paano pa kaya ang ordinaryong tao ng Zambales?.

"Tsk tsk...#badmouth #badstrategy clearer picture."

Sa huling post, sabi ni Aiko: “Babae ka din tulad ko, Ina ka dn tulad ko.

"Sana di mangyari at bumalik lahat ng gawain mo syo.

Continue reading below ↓

"Dahil yun ang pinaka masakit... Karma ay totoo.

"Hindi ako ang klase ng tao na gaganti sa bastusan ng salita.

"Dun makikita ng tao ang diprensya ng 2 klaseng babae.

"Isang me breeding at isang wala.”

Sinisikap pa naming kunan ng pahayag si Zambales Vice Governor Angel Magsaysay-Cheng.

Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng bise gobernadora.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez to Zambales Vice Governor Angelica Magsaysay-Cheng: "Babae ka din tulad ko, Ina ka dn tulad ko. Sana di mangyari at bumalik lahat ng gawain mo syo. Dahil yun ang pinaka masakit... Karma ay totoo."
PHOTO/S: File / PEP.ph source
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results