Aiko Melendez on filing libel complaint vs Zambales vice governor: "I want her to pay for what she did."

by Rose Garcia
May 8, 2019
Aiko Melendez: "Pasensiya na, tao lang din ako. May karapatan akong kailangan kong ipaglaban."
PHOTO/S: Rose Garcia

Nagtungo ang aktres na si Aiko Melendez sa Office of the Prosecutor ng Olongapo City kahapon, May 7, upang pormal na maghain ng reklamong libel laban kay Zambales Vice Governor Angelica Magsaysay-Cheng.

Kasama ni Aiko ang kanyang boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun at ang legal counsel ng aktres na si Carlo Bonifacio C. Alentajan.

Si Khonghun ay katunggali ni Magsaysay-Cheng sa pagka-bise gobernador ng Zambales ngayong eleksyon.

Nag-ugat ang reklamo ni Aiko dahil sa paninira diumano sa kanya ni Vice Governor Magsaysay-Cheng, partikular na ang pag-uugnay nito sa aktres sa ilegal na droga.

Continue reading below ↓

WHY AIKO MELENDEZ FILED LIBEL COMPLAINT AGAINST ZAMBALES VICE GOVERNOR

Pagkatapos ihain at panumpaan ang kanyang reklamo, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang piling reporters si Aiko at ang legal counsel nito sa lobby ng Hall of Justice ng Olongapo City.

Ayon kay Aiko, ngayon lang siya nakaranas ng ganitong klaseng paninira sa kanyang pagkatao sa loob ng ilang taon niya sa showbiz at pulitika.

“Sa thirty years ko naman sa show business, never naman akong na-involved sa ganitong usapin.

“That’s why I’m fighting for this, especially for my children’s sake.

“Gusto ko rin maturuan ng leksiyon yung mga taong dapat turuan ng leksiyon.

“Kung kaya mong gawin ‘to sa isang tulad kong artista, paano pa kaya yung ordinaryong tao?”

Sa loob ng 30 taon ni Aiko sa industriya, kasama na ang bilang na nasa pulitika siya, ngayon pa lang daw siya nagdemanda.

“Yes, first time kong magdemanda in thirty years.

Continue reading below ↓

“Kasi, wala naman akong… wala naman akong nakakaaway.

“Ang kaso ko lang, annulment!” natawang sabi ni Aiko, bilang pagtukoy sa dalawang beses niyang pagpapakasal na nauwi sa hiwalayan.

Dagdag niya, “Yun lang, more than that, wala.”

Magiging bukas ba siya sa pakikipag-ayos sakaling humingi ng dispensa ang kalaban niya?

Tugon ni Aiko, “I don’t know, for now, I am not open for anything.

“I want her to pay for what she did.”

Sa puntong ito ay hindi raw niya kayang magpatawad.

Pahayag ng aktres, “Hindi ko siya mapapatawad sa ngayon.

“Pasensiya na, tao lang din ako. Pero at this point in time, hindi ko kaya.

“Magiging plastic lang ako kung sasabihin ko na, I’m a Christian, magpapatawad ako.

“No, she has to pay for what she did.”

INVOLVED IN ILLEGAL DRUGS?

Sa Complaint-Affidavit na isinumite ni Aiko sa prosecutor’s office ng Olongapo City, kalakip dito ang kopya ng ilang Facebook posts ni Magsaysay-Cheng, gayundin ang larawan ng umiikot na van na nagpapalabas diumano ng video kung saan ipinapahiwatig na sangkot ang aktres sa droga.

Continue reading below ↓

Ayon kay Aiko, “May van ‘yan na umiikot sa buong Zambales. May LED silang malaki.

“Pine-play yung video na may picture ko na may nakalagay na sangkot sa droga.”

Naluha raw si Aiko nang una niya itong malaman.

“Siyempre, naiyak ako.

“Sobrang sakit na mapagbintangan.

“I’ve been in this business for thirty years, I was never involved with any drugs issue.

“And, yearly pa nga, nagpapa-drug test ako, pinu-post ko ‘yan sa IG [Instagram] ko to set an example sa mga kasamahan ko sa industriya.

"Pagkatapos, ako ang pagbibintangan ng ganun?"

Diin ni Aiko, “I won’t allow naman anyone to tarnish my reputation just like that.

“I worked hard for my name. This is so unfair, hindi na tama.

“Kung ang kalaban niya si Jay, si Jay.

“I would understand, si Jay yun, pero ako…”

Continue reading below ↓

Sumusuporta lang si Aiko sa kandidatura ng kanyang pulitikong boyfriend.

Pero kumpara noong siya mismo ang tumatakbo sa pulitika sa Quezon City, mas matindi ang mga pinagdadaanan niya ngayon at mga natatanggap na paninira dahil sa eleksyon.

“Exactly,” pagsang-ayon ni Aiko.

“This is a fight between Jay and Angel sa pulitika.

“Pero itong ginawa niya sa akin, personal. Personal ‘to, e.

“And wala kang ebidensiya. Bakit mo ko isasangkot sa isang bagay na wala kang ebidensiya?

"Kaya kami nakikipaglaban ngayon.”

Dagdag niya, “Hindi ako nasanay sa pulitikang personalan, nasanay ako sa pulitikang tulong at gawa. Serbisyo sa tao.

“E, ito, character assasination na ‘to, e. Reputation ko ang involved dito, at stake.

“Ano na lang ang sasabihin ng mga anak ko, mababasa nila ‘to?

“And if I don’t do anything about it, mauulit ito to anyone, to anybody.

Continue reading below ↓

“That’s why I’m going to fight this through.”

BELOW-THE-BELT ACCUSATIONS

Alam daw ng mga anak ni Aiko na sina Andrei at Marthena ang paninirang ibinabato sa kanya. Nasasaktan daw ang mga anak.

“Siyempre masakit para sa kanila na akusahan ang nanay nila nang ganun, siyempre masakit.”

Pinalampas na nga raw ni Aiko ang mga unang paninira sa kanya.

Nandiyang tinawag siyang “kabit,” “may sakit sa balat,” at kung anu-ano pa.

Pero ang hindi raw kayang isantabi ni Aiko ay ang pagbintangan siyang sangkot sa droga.

“Sa akin, okay lang yung iba. Pero ito, yung illegal substance, foul na ‘to, e.

“At saka, malinis ang konsensiya ko.

"Kapag mali ako, nagsu-sorry ako.

“Pero at this point in time, tama ako.

“Ipaglalaban ko ‘to, parang sobra-sobra na.

“Kung tatahimik pa rin ako hanggang ngayon, sobrang aping-api naman na ako.”

Continue reading below ↓

Mensahe pa ni Aiko sa kalaban sa pulitika ng kanyang boyfriend: “Binabastos mo na nga ako sa buong Zambales, sa Subic, sa Olongapo, sa lahat ng ano… ia-allow ko pa ba na bastusin mo ako sa lahat na lang ng venue ng mundo?

“I’m not gonna allow that, sobra na. Sobra na talaga.

“Kaya, pasensiya na, tao lang din ako. May karapatan akong kailangan kong ipaglaban.”

JUSTICE WILL PREVAIL

Nahingan din ng PEP.ph ng pahayag ang legal counsel ni Aiko na si Atty. Carlo Bonifacio Alentajan.

Aniya, “We will just let the justice system work for justice.”

Ano ang naging epekto kay Aiko ng mga naging paninira rito?

Saad ng abugado, “Of course, she’s a mother, she’s a woman like most of you.

“Of course, she has hurt feelings.

“How would her children see her, how would other people look at her now with these malicious implication?

Continue reading below ↓

“It was totally unfair and illegal for this to be done against Aiko’s person.

“Everybody will get hurt that’s why we’re seeking justice.”

Naniniwala ang legal counsel ni Aiko na may malakas silang kaso.

“We believe we have a strong case. We have our evidences and we will let justice take its course.”

Binigyang-linaw rin ni Atty. Alentajan na labas ang boyfriend ni Aiko na si Mayor Khonghun sa pagpa-file ng libel complaint ng aktres laban kay Vice Governor Magsaysay-Cheng.

“This is not related to Jay. This is Aiko’s fight. This is a mother’s fight.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez: "Pasensiya na, tao lang din ako. May karapatan akong kailangan kong ipaglaban."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results