Matteo Guidicelli reveals reasons for joining Philippine Army as reservist

by Bernie V. Franco
May 8, 2019
Actor Matteo Guidicelli reveals that his parents and girlfriend Sarah Geronimo were initially reluctant about his decision to join the Philippine Army.
PHOTO/S: Noel Orsal / @matteog on Instagram

Inamin ni Matteo Guidicelli na marami ang kumuwestiyon sa pagsali niya bilang reservist sa Philippine Army.

Kabilang na rito ang kanyang mga magulang at girlfriend na si Sarah Geronimo.

Pero ayon sa 29-year-old singer-actor, ito ang kanyang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa Pilipinas.

Ibinahagi ni Matteo ang dahilan ng pagpasok niya sa Philippine Army nang maging guest speaker siya sa National Cadet Corps of the Philippines Summer Encampment Training 2019 Closing Ceremony ng Junior High School Commandants Association of the Philippines (JHSCAP).

In-upload ang video sa YouTube nitong May 7, Martes.

Lahad ng Filipino-Italian celebrity, “I just joined the Reserve Force just two weeks ago.

“Ang daming taong nagsasabi at nagtatanong sa ‘kin, ‘Bakit ka mag-reserve force? Bakit ka mag-a-army?’

"Sabi ko, ‘Bakit hindi? Pinoy ako, di ba?’”

Inanunsiyo ng Hukbong Katihan ng Pilipinas sa Facebook account nito ang pagiging bahagi ni Matteo ng Army Reserve Command (Arescom) noong April 15, 2019.

Continue reading below ↓

DOING MORE FOR HIS COUNTRY

Sa 12 years niya sa showbiz, marami na raw isinusulong na mga adbokasiya at charity si Matteo

Pero nag-isip daw siya ng iba pang paraan kung paano makapagbibigay ng kontribusyon sa kanyang bansa.

“At sinabi ko sa sarili, ‘Bakit hindi ako magpo-focus sa isang bagay, sa isang bagay na ako talaga?’ Ibig sabihin, sa pagiging Pilipino ko.

“So, sabi ko, the best way is to join the Army.

“Ngayon, yung girlfriend ko, yung mga magulang ko, sabi nila, ‘Bakit ka sasali ng Army? Maggigiyera ka ba?’

“Ngayon, they understood pag nasa reserve ka, or nasa Army ka, hindi naman ibig sabihin maggigiyera ka.

“Marami kang mga puwedeng gawin—kapag may mga disasters tayo, mga natural calamities, may mga relief goods, may mga operations tayong iba.

"Hindi necessarily pupunta sa giyera, kumbaga, di ba?"

PROUD TO BE A FILIPINO

Hindi man purong Pilipino, ang pagsali ni Matteo sa Army ay patunay raw ng kanyang pagmamahal sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Matteo sa kanyang speech, “These are things we can give back to our country that we love so dearly.

“Meron akong kapatid, 12 years old, palagi siyang nasa computer, palagi siyang nasa iPad, palaging naglalaro.

“Kaya, I think, ROTC and CAT for the younger batch is very, very important to instill discipline, nationalism, and patriotism to an individual, to look at this flag and to have tears in your eyes because you love this flag so much.”

Kuwento pa niya, “Growing up as a Filipino, nag-aral ako sa Amerika.

“Maraming tao sa Amerika nagsasabi, ‘Uy, Pilipinas, ano, may elevator ba dun? May bubong ba dou? May mga ganun ba yun?’

"Sabi ko, ‘Excuse me, we’re one of the best countries in the whole entire world.’

“And whenever I see this flag, it makes me very, very proud to be Filipino, to be Cebuano, kumbaga.”

Continue reading below ↓

Si Matteo ay anak ng Italian na si Gianluca Guidicelli at Pilipinang si Glenna Fernan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Matteo Guidicelli reveals that his parents and girlfriend Sarah Geronimo were initially reluctant about his decision to join the Philippine Army.
PHOTO/S: Noel Orsal / @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results