Daniel Fernando says he never expected to go into politics

by Rommel Gonzales
May 9, 2019
Daniel Fernando on being a politician: "Ito yung hindi ko pinangarap, hindi ko napanaginipan, kusang dumating sa buhay ko."
PHOTO/S: Rommel Gonzales

“At least malapit nang matapos yung sakripisyo at paghihirap.”

Ito ang sagot ng actor-turned-politician na si Daniel Fernando tungkol sa pangangampanya niya bilang gobernador ng lalawigan ng Bulacan.

Kasalukuyang vice gorvernor ng Bulacan si Daniel.

Hanggang sa May 11, Sabado, na lamang ang pangangampanya ng lahat ng tumatakbo sa May 13 elections.

Kumpiyansa si Daniel na magtatagumpay siya sa kanyang kandidatura.

Saad niya, “Tayo ay nangunguna sa lahat ng lehitimong survey.

"So lahat, 70-30, so okay naman, maganda naman ang takbo ng kampanya.

“Yung init ng pagtanggap ng tao sa amin, lalo na sa akin since nung 2010, o nung Bokal ako, 2001 hanggang ngayon, yung init ng pagtanggap ng tao pag nagmo-motorcade ako is still there.

“Yung saya nila, yung tuwa, yung ngiti, yung thumbs up nila, yung kasabikan nilang makita ako, nothing changed.

“Ganun pa rin, hindi pa rin nagbabago yung excitement ng tao, yung reaction nila sa akin pag ako, e, nakikita nila, lalo na sa motorcade, kaya’t tuluy-tuloy pa rin."

Continue reading below ↓

Patuloy ni Daniel, “Kasi hindi ako tumigil ng pagtulong.

"Tuluy-tuloy yung ginagawa naming pagtulong.

"So, ako dumiretso talaga ako sa pagtulong. Kahit hindi kampanyahan, kahit na hindi eleksyon.

“So, iyon yung panahon para ipakita mo sa tao yung dapat mong gawin.

"Hindi yung pag malapit na lang yung botohan at saka ka gagalaw, pagka kumandidato ka lang tsaka ka magbibigay ng tulong. Hindi yun."

PROGRAMS FOR BULAKEÑOS

Inisa-isa rin ni Daniel ang mga programa niya para sa kanyang mga kababayan.

Pagmamalaki niya, “Yung ipinapangako nung kalaban natin tuwing may mga caucus o political events na ina-attend-an ay nagawa ko na iyon.

“2008 pa lang, hindi pa ako vice governor ay nakapag-create na ako ng isang movement.

"Iyon yung Damayang Filipino Movement na nagbibigay ng social service, not only social service.

“Pangkabuhayan mo, lahat 'yan, nandidiyan.

“Ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang ating medical mission.

Continue reading below ↓

"At bilang Chairman ng Bulacan Blood Council, lalo kong pinaigting yung mga blood-letting program natin.

“So, umiikot kami, bumababa sa bawat barangay, lalo na yung mga medical mission, dental mission, yung Silip-Mata, yung feeding program para sa mga bata.

“Kasi alam naman namin na hindi lahat makakapunta sa aming bahay, sa tanggapan natin, sa opisina, lalo sa mga ospital, sa provincial hospital, para maka-avail sila ng tulong.

“Kasi yung iba talaga napakalayo ng lugar para pumunta ka pa ng bahay namin ng Malolos, gagastos sila ng mga limandaang pamasahe, so napakalayo.

“So instead pumunta sila, yung mga hindi namin naaabot, nakakamayan, nakukumusta, bumababa kami.

"At least naaabot namin, nakukumusta lahat.

“Kasi tumulong din naman yung mga yun, sumuporta rin.

“Kaya iyon, maganda naman yung takbo campaign natin at maayos."

Dagdag ni Daniel, “And, hindi ko in-expect ito lahat.

“Ito yung hindi ko pinangarap, hindi ko napanaginipan, kusang dumating sa buhay ko.

Continue reading below ↓

“Kahit nung Bokal ako, hindi ko in-expect yun, lahat.

“Kahit yung pag-aartista ko, hindi ko expected yun.

“Biglang dumating yun lahat, dumating nang hindi ko inaasahan.

“Maybe it’s God’s will.”

NOT SAYING GOODBYE TO SHOWBIZ

Kahit matagumpay bilang pulitiko, hindi tinatalikuran ni Daniel ang pag-aartista.

Sabi niya, “Iyon ang lagi kong pinakikiusap sa kanila.

"Ngayon, sabi ko, isang teleserye sa loob ng isang taon gagawa ako, pinapakiusap ko sa kanila.”

Huling napanood si Daniel sa Ikaw Lang ang Iibigin nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa ABS-CBN noong 2017, kung saan pinarangalan pa siya bilang Best Supporting Actor sa 31st Star Awards for TV dahil sa kanyang pagganap.

Patuloy ni Daniel, “Kung hindi nag-eleksyon, dapat ginawa ko na rin yung The General’s Daughter kaso nag-eleksyon, e.

“E, ito siguro, right after the election, gagawa ako ng isang teleserye.”

Continue reading below ↓

Rebelasyon naman ni Daniel, ito ang pinakamatindi niyang laban sa mundo ng pulitika.

“Ito yung pinakamabigat. Mabigat.

"Oo, maganda yung survey, pero mabigat yung kampanya ko kasi pinagbuti ko talaga.

“Kasi iba yung kampanya ng vice governor sa governor."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Fernando on being a politician: "Ito yung hindi ko pinangarap, hindi ko napanaginipan, kusang dumating sa buhay ko."
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results