Julie Anne San Jose to celebrate her 25th birthday in New York?

by Rose Garcia
May 9, 2019
Julie Anne San Jose reveals her birthday wish: "Happiness."
PHOTO/S: Rose Garcia

Nasa New York ngayon ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose para sa KPS7 Musikalye goes to Brooklyn, na gaganapin sa May 11.

Bago siya umalis noong May 7, binigyan siya ng surprise advance birthday party ng Universal Records sa Silver Moon Studio, Immaculate Conception, Quezon City, noong May 6.

May pictorial si Julie para sa bago niyang album sa Universal Records, kaya hindi ito naghinalang may pa-surprise party sa kanya.

Sa May 17 talaga ang 25th birthday ng Kapuso singer-actress.

Continue reading below ↓

Julie Anne with Universal Records boss Kathlee Dy-Go

“Na-surprise talaga ako,” masayang sabi ni Julie Anne nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos siyang sorpresahin.

Sabi pa niya, “First surprise sa birthday ko this year.

“May pictorial po talaga ako, kaso yung lumalakad na ako papasok, may nagbi-video sa likod ko.

“Akala ko naman, pang-Instagram story lang.

“Pagpasok ko, may ‘Happy Birthday, Julie Anne!’”

Bukod sa Universal Records family niya, na pinangungunahan ni Ms. Kathleen Dy-Go, dumating din ang ilan sa mga boss ng GMA Artist Center sa pangunguna nina Ms. Gigi Santiago-Lara at Daryl Zamora.

Continue reading below ↓

Julie Anne with GMA Artist Center's Daryl Zamora, Gigi Santiago-Lara, and Mean Regala

Ayon pa kay Julie Anne, “Akala ko naman, talagang nag-visit lang sila. Hindi ko po alam talaga.

“I’m very, very grateful for it.”

BIRTHDAY IN NEW YORK?

Nakabalik na ba ng Pilipinas si Julie Anne sa araw mismo ng kanyang kaarawan sa May 17?

Tugon niya, “I guess I’ll be celebrating my birthday here rin po.

“But I, think, I want to celebrate my birthday rin po in New York, hopefully, kapag may time po.”

Paano niya planong i-celebrate ang birthday sa New York?

“I’m not sure po, maybe spend time with myself, alone. Although, I don’t really have plans pa po.”

JULIE ANNE’S BIRTHDAY WISH

Napansin namin na ang haba at sobrang seryoso ni Julie Anne nang mag-wish siya bago i-blow ang candle ng cake niya.

Continue reading below ↓

Natawa si Julie nang sabihin namin kung puwede ba niyang i-share ang ilan sa mahabang birthday wish niya.

Aniya, “Siyempre po, bago naman po ako mag-wish, nagte-thank you muna po ako.

“Importante naman po na mag-thank you sa lahat ng blessing na dumarating.”

Pag-amin niya, “Wish ko, happiness.

“Happiness lang po and more happiness.

At mas maging healthy ako and yung family ko.

“I’m not really asking for any material things, I just want happiness.”

Masaya ba siya ngayon?

“Yes, yes, of course, I am,” mabilis na sagot ni Julie Anne.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose reveals her birthday wish: "Happiness."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results