Sharon Cuneta, Vice Ganda, Dingdong Dantes, Angel Locsin reveal their senatorial picks

by Bernie V. Franco
May 10, 2019
Sharon Cuneta, Vice Ganda, Dingdong Dantes, and Angel Locsin take to social media and post about the mid-term elections.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ibinahagi ng ilang artista sa social media ang senatorial candidates na iboboto nila ngayong 2019 mid-term elections.

Magaganap ang botohan sa Lunes, May 13.

Ilan sa mga artistang pinangalanan ang kanilang mga iboboto sina Sharon Cuneta, Vice Ganda, Dingdong Dantes, Angel Locsin, Janine Gutierrez, Enchong Dee, at Bianca Gonzalez.

SHARON FOR POE

Via Facebook, ikinampanya ng Megastar si Grace Poe.

Continue reading below ↓

VICE, ENCHONG, BIANCA FOR DIOKNO

Nag-tweet naman si Vice Ganda nitong May 9, Huwebes, upang ikampanya si Chel Diokno ng Liberal Party.

Papuri ni Vice kay Diokno: “Matalino, magaling at MATINO si CHEL DIOKNO. Iboboto ko sya para sa lahat ng Madlang People na naghahangad ng bansang may hustisya. Sana maisama nyo rin sya sa iboboto nyong 12.”

Continue reading below ↓

Maka-Diokno rin sina Enchong at Bianca:

Continue reading below ↓

DINGDONG FOR BAM

Isang mahabang testimonya ang ibinahagi ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para kay Bam Aquino, na mula rin sa Liberal Party.

Sabi ni Dingdong tungkol kay Bam: “If i were to think of someone who's the embodiment of excellence and integrity, then it would be Bam.”

Inisa-isa pa ng aktor ang mga kwalipikasyon kung bakit dapat iboto si Bam.

Continue reading below ↓

ROBIN, DEREK, ARA, ARNELL FOR BONG GO

Puring-puri naman ng action star na si Robin Padilla ang senatorial candidate na si Bong Go.

Supporter din ni Go ang mga artistang sina Derek Ramsay, Ara Mina, at Arnell Ignacio.

JANINE FOR GUTOC

Nag-tweet naman si Janine Gutierrez na nagpakita ng suporta kay Samira Gutoc-Tomawis ng Liberal Party.

Continue reading below ↓

ANGEL FOR COLMANARES

Ikinampanya naman ni Angel Locsin ang kamag-anak niyang si Neri Colmenares ng Makabayan Party-list.

CELEBRITIES CALL FOR MATALINONG PAGBOTO

Samantala, may mga artista at personalidad ding nanawagan para sa matalinong pagboto o pagpili ng kandidato.

Via Twitter, nanawagan si Enchong Dee na mag-devote ng kaunting oras para mag-research tungkol sa mga kandidato.

Continue reading below ↓

Dapat daw alamin ang net worth at mga plataporma ng mga kandidato.

Ganito rin ang tweet ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda.

Aniya, ang pagtatanong at pagri-research ay nakatutulong para matukoy ang mga dapat iboto.

Continue reading below ↓

Isang makabuluhang painting naman tungkol sa eleksyon ang ginawa ni Solenn, na ibinahagi niya sa Instagram.

Sa caption, hinimok ni Solenn ang mga botante na maging matalino sa pagboto.

Nagbigay rin ng kanyang opinyon si Janno Gibbs via Instagram.

Sa kanyang mahabang mensahe, ikinumpara ng singer-actor ang pagkakaiba ng senador at mayor.

Continue reading below ↓

Diin pa ni Janno: “Hindi Sapat ang mabait Lang at may mabuting hangarin na kandidato bilang senador. Ngunit kailangang din matalino, eksperto sa batas at konstitusyon… At higit sa lahat, may paninindigan sa kapakanan ng batas at bansa…”

Paalala naman ng ABS-CBN anchor na si Karen Davila, hindi dapat maging basehan sa pagboto ang pagiging sikat o ang mataas na ranking sa survey.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta, Vice Ganda, Dingdong Dantes, and Angel Locsin take to social media and post about the mid-term elections.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results