Harlene Bautista not closing her doors on politics

by Rommel Gonzales
May 11, 2019
Harlene Bautista on entering politics: "Baka naman siguro hindi ito yung tamang panahon or ano."
PHOTO/S: Jerry Olea

Parehong sumabak sa showbiz ang magkakapatid na Herbert, Hero, at Harlene Bautista.

Sina Herbert at Hero ay pareho ring pumalaot sa pulitika; si Herbert ay naging vice mayor at kalaunan ay mayor ng Quezon City, habang si Hero ay naging konsehal ng parehong lungsod.

Si Harlene naman ay piniling manatili sa showbiz bilang film producer.

Marami ang nagtataka kung bakit hindi nagpursige si Harlene na tumakbo, lalo na ngayong pahinga ang Kuya Herbert niya dahil sa pagtatapos ng termino nito sa Hunyo bilang mayor, at balik ito sa pagiging ordinaryong mamamayan.

Si Hero lamang ang tumatakbo ngayon bilang konsehal ng 4th district ng Quezon City.

Pero bakit nga ba hindi pumapasok sa pulitika si Harlene?

Paliwanag niya, “Siguro iyon yung linya nila talaga, e. Dun sila nakalinya.

“Si Kuya Hero kasi, matagal siyang kagawad ng Barangay Immaculate, so hindi naman siya yung biglang naging konsehal lang.

“Nag-SK Chairman ako before, parang, I think, I was nineteen or twenty years old.

Continue reading below ↓

“Isang term, kasi, I think, pagkatapos ng isang term, overage na, hindi na ako puwede.”

Pagkatapos noon ay hindi na muling sumubok pa sa pulitika si Harlene.

“Nag-college ako, nag-concentrate ako sa theatre, so iyon, tuluy-tuloy na,” lahad niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato, Quezon City, noong Miyerkules, May 8.

NOT HER CALLING?

Hindi ba niya calling ang pulitika?

Paglilinaw ni Harlene, “Hindi naman ako yung parang wala ding partisipasyon.

“Kasi sa mga projects naman ng mga kapatid ko, nandun naman ako, so nandun pa rin.

“Hindi lang ako tumatakbo, yung ganun. Wala lang akong puwesto, posisyon.”

Dagdag pa niya, “Kumbaga, lumaki na ako diyan.

“Papa ko, barangay captain pa lang siya noon, hanggang naging konsehal.

“Si Kuya [Herbert], ganun din.

“So iyon, kumbaga, parang sa pag-aartista, nasa dugo, nananalaytay sa dugo namin iyon.”

Continue reading below ↓

Ang ama ni Harlene ay ang yumaong actor-director na si Herminio ‘Butch’ Bautista.

Ayon kay Harlene, hindi naman niya tinutuldukan o isinasara ang kanyang kapalaran sa pulitika.

“Baka naman siguro hindi ito yung tamang panahon or ano.

“Hindi ako sarado sa ganun, hindi ako sarado sa kahit ano.”

CITIZEN HERBERT

Ano ang nakikita ni Harlene na magiging buhay ng Kuya Herbert niya kapag ordinaryong residente ng Quezon City itong muli?

“Well, ang sinabi nga niya, di ba, is he wants to spend more time with the kids, with his children.

“So, I guess, nagpaplano sila ng mga trips, ganun, to support his kids sa kanya-kanyang mga endeavors, like, sa trabaho, sa careers nila, to guide them properly.

“And sa amin naman, parang gusto niya, napapag-usapan nga namin is more about the production.

“Parang, ano yung gustong direction na mangyari, ang mga puwedeng gawin.”

Continue reading below ↓

Sina Herbert at Harlene ay magko-concentrate sa film outfit nilang Heaven’s Best Entertainment, na nag-produce ng multi-awarded film na Rainbow’s Sunset.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Harlene Bautista on entering politics: "Baka naman siguro hindi ito yung tamang panahon or ano."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results