Angel Locsin visits grave of ex-boyfriend Miko Sotto on his 37th birthday

by James Patrick Anarcon
May 12, 2019
Angel Locsin remembers ex-boyfriend Miko Sotto on his 37th birthday.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram / @143redangel on Twitter

Dinalaw ni Angel Locsin ang puntod ng kanyang ex-boyfriend na si Miko Sotto noong May 10, bilang paggunita ng kanyang 37th birthday.

Sa kanyang Twitter account, ipinost ni Angel ang picture ng puntod ni Miko, karugtong ng kanyang caption na, "Happy birthday, Miko! RIP."

Madaling araw noong December 29, 2003, nang aksidenteng mahulog si Miko mula sa ika-siyam na palapag ng kanyang tinitirhang condominium sa Mandaluyong City. Siya ay 21 anyos noon.

Continue reading below ↓

Marcelino Antonio Carag Sotto III ang buong pangalan ni Miko.

Siya ay anak ng TV personality na si Ali Sotto at Maru Sotto, ang nakababatang kapatid ng Eat Bulaga hosts na sina Tito at Vic Sotto.

Kasintahan din noon ni Miko si Angel, na noo'y nag-uumpisa pa lamang na magkaroon ng pangalan sa showbiz.

Nabanggit din ni Angel sa mga interbyu noon na si Miko ang kanyang first love.

Dinalaw din ni Angel ang puntod ni Miko noong December 29, 2013—ang ika-sampung death anniversary ni Miko.

Ayon pa kay Angel, ang araw daw na iyon ang "saddest day of my life."

Noong May 10, 2016 ay nag-post din si Angel sa social media ng maikling birthday message para kay Miko.

Saad lang niya, "Happy birthday Mikolet steady ka lang dyan."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin remembers ex-boyfriend Miko Sotto on his 37th birthday.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram / @143redangel on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results