Adrian Alandy, Felix Roco, Kristoffer Martin, Janine Gutierrez dismayed at 2019 senatorial results

by Rachelle Siazon
May 14, 2019
Adrian Alandy, Felix Roco, and Kristoffer Martin feel frustrated at the 2019 election results. Adrian tweets, "Bong Revilla? Imee Marcos?? Kulang pa ba ang mga ninakaw nila sa bansa natin para iboto natin sila sa Senado?!"
PHOTO/S: Instagram

Tahasang naghayag ng pagkadismaya ang ilang artista sa resulta ng mga nangungunang kandidato sa pagkasenador sa 2019 elections.

Hindi raw nila lubos maisip kung paanong ang mga kilalang "magnanakaw" ay ibinoto at pasok pa rin sa mga napipintong panalo sa eleksyon.

ADRIAN ALANDY

Una na rito ang Kadenang Ginto actor na si Adrian Alandy (dating Luis Alandy) na sobrang inis na kabilang sa winning Top 12 senatorial candidates ay mga "kriminal at magnanakaw."

"Talaga bang nasa top 12 ang mga kriminal at magnanakaw?! Ano bang nangyayari sa Pilipinas?! Gusto nyo talaga ah!!"

Diretsahan ding pinangalanan ni Adrian na ang tinutukoy niyang mga magnanakaw ay ang senatorial candidates na sina Bong Revilla at Imee Marcos.

"Bong Revilla? Imee Marcos?? Kulang pa ba ang mga ninakaw nila sa bansa natin para iboto natin sila sa Senado?!

"Sa mga nababayaran ang boto! Eto ang sa inyo!! DRACARYS!"

Noon lamang December 2019, nakalaya ang dating senador na si Bong mula sa mahigit apat na taong pagkakaditena sa Philippine National Police (PNP) Detention Center dahil sa kasong plunder.

Continue reading below ↓

Kaugnay ito ng pagkamal niya diumano ng pondo ng bayan para sa pakikipagtransaksiyon niya sa tinaguriang pork barrel-scam mastermind na si Janet Lim-Napoles.

Si Imee naman ay anak ng yumaong Presidente Ferdinand Marcos, na tinaguriang diktador at naharap sa patung-patong na isyung corruption at violence nang ipatupad nito ang Batas Militar noong panahon ng panunungkulan nito.

Continue reading below ↓

FELIX ROCO

Sumunod din si Felix Roco na nagsabing hindi totoong may malasakit sa bansang Pilipinas ang mga bumoto sa mga kandidatong "magnanakaw."

Napamura pa si Felix sa sobrang frustration sa nangyaring "voting" sa bansa.

Tweet pa ng anak ng beteranong aktor na si Bembol Roco: "May tanong ako para sa mga bumoto kay revilla... alam niyo ba magnanakaw siya?"

Continue reading below ↓

KRISTOFFER MARTIN & JANINE GUTIERREZ

Ang Kapuso actor namang si Kristoffer Martin ay naghayag din ng lungkot sa resulta ng eleksiyon.

"Nalulungkot ako sa resulta. Ano Pinas? Gusto natin ng asenso pero di natin masimulan sa tamang boto?"

Ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez ay malungkot din sa naging resulta ng senatorial race.

TOP 12 SENATORS

Bandang 6:15 p.m., o unang bugso ng partial and unofficial tally of votes for the 2019 elections, narito ang resulta ng Top 12 winning senatorial candidates:


1. Cynthia Villar

2. Grace Poe

3. Bong Go

4. Pia Cayetano

5. Bato dela Rosa

6. Edgardo Sonny Angara

7. Imee Marcos

8. Lito Lapid

9. Francis Tolentino

10. Nancy Binay

11. Bong Revilla

12. JV Ejercito

13. Bam Aquino

14. Koko Pimentel

15. Jinggoy Estrada

16. Mar Roxas

17. Serge Osmena

18. Willie Ong

Kinalaunan ay nagkaroon ng bahagyang pagbabago sa ranking ng mga nanalong Top 10 to Top 12 senatorial candidates.

Napunta sa ika-sampu na ranking si Pimentel, ika-11 isa si Binay, ika-12 si Revilla, at napunta sa 13th spot si Ejercito.

Continue reading below ↓

Base ito sa partial and unofficial tally bandang 7:40 A.M. ng May 14.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Adrian Alandy, Felix Roco, and Kristoffer Martin feel frustrated at the 2019 election results. Adrian tweets, "Bong Revilla? Imee Marcos?? Kulang pa ba ang mga ninakaw nila sa bansa natin para iboto natin sila sa Senado?!"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results