Sharon Cuneta furious over alleged betrayal of brother Chet's Pasay running mate

by Jojo Gabinete
May 14, 2019
Sharon Cuneta on alleged betrayal of brother Chet's running mate Richard Advincula: "So, kayo pong mga kababayan namin sa Pasay, tandaan niyo po ito, ang taong binibili, nabibili, at naghintay lang na mabili—na ang pakita sa akin noon akala mo kung sinong santo na lalaban daw sa korapsyon at lahat—ngayon po nabili na."
PHOTO/S: Instagram

Kahit ChetSharon Cuneta ang ginamit na pangalan ni Cesar "Chet" Cuneta sa balota, hindi pa rin ito pinalad na mahalal na mayor ng Pasay City.

Si Chet, na isang piloto, ay nakatatandang kapatid ni Megastar Sharon Cuneta.

Tatlong araw bago naganap ang midterm polls kahapon, May 13, naglabas si Sharon ng mga hinaing laban sa isang Richard Advincula, ang vice-mayoral candidate sa Pasay City na running mate ni Chet.

Hindi itinago ni Sharon ang matinding galit na nararamdaman kay Advincula, sa video na in-upload nito sa kanyang Facebook page.

Bukod sa video, nagsulat din si Sharon ng mahabang litanya, in capital letters, laban kay Advincula:

"Hi magandang gabi po mga kaibigan, I just came from the rally of my brother in Pasay.

"It breaks my heart and I’m very upset, actually, I’m very angry kasi nalaman ko sa stage, na sinabi ni kuya sa akin.

"Hindi ako naka-prepare, pasensya na po sa mga nandoon na nakita yung galit ko kanina, kasi nagulat po talaga ako bilang kapatid ni kuya.

Continue reading below ↓

"Ang kanyang dapat vice mayor na si Richard Advincula ay nabili po ng kalaban.

"So, kayo pong mga kababayan namin sa Pasay, tandaan niyo po ito, ang taong binibili, nabibili, at naghintay lang na mabili—na ang pakita sa akin noon akala mo kung sinong santo na lalaban daw sa korapsyon at lahat—ngayon po nabili na.

"Ang tao pong ganoon, hindi pinagtitiwalaan dahil pati po kayo, ibebenta niya ng hindi mag-iisip ng dalawang beses.

"Pagbigyan niyo lang po si kuya, kahit isang term lang po," ang apela ni Sharon sa mga botante ng Pasay City.

Continue reading below ↓

Malinaw na hindi pinagbigyan ng mga kababayan nila sa Pasay City ang pakiusap ni Sharon na ihalal ang kanyang kapatid dahil nakakuha lamang ito ng 35,784 votes, na malayung-malayo sa 121,391 votes ng kalaban na si Emi Calixto-Rubiano.

Natalo rin si Richard Advincula, ang running mate ni Chet Cuneta na inakusahan ni Sharon na traydor at mukhang pera.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta on alleged betrayal of brother Chet's running mate Richard Advincula: "So, kayo pong mga kababayan namin sa Pasay, tandaan niyo po ito, ang taong binibili, nabibili, at naghintay lang na mabili—na ang pakita sa akin noon akala mo kung sinong santo na lalaban daw sa korapsyon at lahat—ngayon po nabili na."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results