Sugod Bahay, puwede na ulit sa Pasig?; Mayor Bobby Eusebio, magpa-file ng election fraud

by Jojo Gabinete
May 15, 2019
Mayor Bobby Eusebio (left) is set to file election fraud complaint after his opponent, Vico Sotto, was proclaimed winner in the mayoral race in Pasig City.
PHOTO/S: Marie Ramos Facebook / Rose Garcia

Nang magdeklara si Vico Sotto ng kanyang mayoral candidacy sa Pasig City noong October 16, 2018, mabilis kumalat ang usap-usapang bawal na ang "Sugod Bahay."

Ito ay dahil makakatulong daw ang popularidad ng segment ng Eat Bulaga! para makakuha siya ng maraming boto mula sa mga kababayan niya.

Isang residente ng Pasig City ang nagsabi sa Cabinet Files kahapon, May 14, na ikinatuwa nila ang tagumpay ni Vico sa mid-term polls dahil puwede nang bumisita uli sa kanilang mga barangay ang barkada ng "Sugod Bahay," na namimigay ng financial help sa deserving lucky winners.

Nang magsimula ang kampanya para sa mid-term elections noong March 29, hindi na mabanggit ng mga Eat Bulaga! host ang Pasig City at ang pangalan ni Vico.

Pero nakakagawa sila ng paraan, particularly si Vic Sotto, ang ama ng presumptive mayor ng siyudad.

Sa isang episode noon ng Eat Bulaga! na aming napanood, nagbiro si Vic sa grupo nina Jose Manalo at Wally Bayola na hindi sila puwedeng pumunta sa Pasig para kumain ng "biko," na obvious na patungkol sa kandidatura ng kanyang anak na katunog ang pangalan ng popular Pinoy rice delicacy.

Continue reading below ↓

Si Vico ang poster boy ng katatapos na eleksyon dahil nagtagumpay siyang talunin sa mayoral race sa Pasig City ang outgoing mayor na si Bobby Eusebio.

Si Vico—hindi si Isko Moreno ng Maynila o si Francis Zamora ng San Juan City—ang naging simbolo ng pagbabago ng midterm polls.

Ito ay dahil bata pa siya, baguhan sa mundo ng pulitika, at walang bahid ng dumi ang kanyang paglilingkod sa bayan mula nang manungkulan bilang konsehal ng Pasig City noong 2016.

Magiging memorable ang 30th birthday ni Vico sa June 17 dahil sa pagkakahalal niya bilang mayor ng Pasig City.

Pero hindi ito madali kahit naiproklama na siya kahapon ng Commission on Elections.

EUSEBIO TO FILE FOR ELECTION FRAUD

Hindi madali dahil hindi matanggap ni Eusebio na tinalo siya ni Vico kaya inihahanda ng kasalukuyang mayor ng Pasig City ang electoral fraud na ihahain sa Commission on Elections.

Mahirap para kay Eusebio na tanggapin ang hatol ng bayan dahil sa pinanghahawakan niyang 27 years na paglilingkod ng kanyang pamilya sa Pasig City, na nag-umpisa noong three years old pa lamang si Vico.

Continue reading below ↓

"Hindi ko tinatanggap ang resulta dahil alam ng tao kung sino ang nanalo.

"Alam ng tao rin kung sino ang ibinoto nila, at ito mapapatunayan natin sa pamamagitan din ng pina-file namin na election fraud," pahayag ni Eusebio sa State of the Nation ng GMA News TV.

Bukod sa ihahaing protesta, sinabi ni Eusebio na hindi sila naniniwala sa resulta ng eleksyon dahil sa defective PCOS machine na ginamit sa pandaraya.

Ayon naman sa isang Cabinet Files source, "In fairness, maayos ang pagpapatakbo ni Mayor Eusebio sa Pasig City.

"Malinis ang Pasig dahil araw-araw na kinukuha ang mga basura.

"Nakakatanggap kami ng mga Noche Buena package tuwing Pasko, libre ako na nakapag-aral ng baking dahil sa project ng asawa ni Mayor Eusebio.

"Pero gusto na siguro talaga ng mga tao ng pagbabago kaya nanalo si Vico.

"Yung iba naman, gusto nang magkaroon ng 'Sugod Bahay' sa Pasig kaya sinuportahan nila ang kandidatura ni Vico."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mayor Bobby Eusebio (left) is set to file election fraud complaint after his opponent, Vico Sotto, was proclaimed winner in the mayoral race in Pasig City.
PHOTO/S: Marie Ramos Facebook / Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results