Kim, Alessandra, Enchong, JK, Alex disappointed over 2019 election results

by Rachelle Siazon
May 15, 2019
JK Labajo tweets about his disappointment over winning candidates in the 2019 elections: ""kakabuyset. yoko na. alis nako lipat nako sa ibang bansa. source of entertainment yung gobyerno natin dito. nagiging showbiz narin. literal ang daming artistang pulitiko. lol. malacanang tv."
PHOTO/S: Instagram

Ilan pang artista ang dismayado sa naging resulta ng 2019 elections matapos nilang makilahok sa pagboto noong Lunes, May 13.

Kabilang dito sina JK Labajo, Kim Chiu, Alessandra de Rossi, Alex Medina, at Enchong Dee na naglabas ng hinaing hinggil sa mga nanalong kandidato, partikular na roon sa mga uupo sa national positions.

JK LABAJO

Sa parte ni JK, kinuwestiyon niya ang desisyon ng mga botanteng iluklok pa rin ang mga kandidatong hindi raw nararapat maging lider ng bansa.

"Wala na bang standards ang ating mga kababayan? Mukhang wala na talaga.

"kakabuyset. yoko na. alis nako lipat nako sa ibang bansa. source of entertainment yung gobyerno natin dito.

"nagiging showbiz narin. literal ang daming artistang pulitiko. lol. malacanang tv."

Hindi man direktang pinangalanan ni JK kung sinong mga kandidato ang tinutukoy niya, hindi kaila na sina Lito Lapid at Bong Revilla ang mga artistang pasok sa Top 12 senatorial candidates sa partial and unofficial results ng vote counting.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni JK, may mga botante raw ang nagsabing "binoto ko si ano kasi pogi siya."

Pero giit niya, "ULOL" ang mga taong mababaw ang ginawang basehan ng kanilang pagboto.

Nakapanlulumo raw na habang nagpapakasasa sa kapangyarihan ang iilan ay patuloy namang naghihirap ang mga nakararami sa bansa.

"parang ginagawang laruan ang buhay ng ating mga kapwang pilipino.

"nakaupo sa kanilang mga tronong gawa sa ginto habang nakatingin sa baba. sa mga naghihirap."

Ni-retweet din ni JK ang isang art card tungkol sa diumano'y nangyaring "dayaan" sanhi ng mga nag-malfunction na transparency server na dapat sana'y magpapakita ng "progression" ng bilang ng mga boto mula sa vote counting machines (VCMs).

Continue reading below ↓

KIM CHIU

Maging si Kim Chiu, na bihirang makisali sa usaping pulitika, ay napa-post sa Instagram Story.

Dismayado raw siya sa resulta ng eleksyon.

Sabi ni Kim sa kanyang post na may kalakip na Philippine flag at shocked emojis:

"woke up and checked the news update!!! unofficial pa but.... OMG! why them???

"what happened???"

Continue reading below ↓

ALESSANDRA DE ROSSI

"Pabili naman ng sampung kilong pag-asa! Para sa bayan! Kapit!"

Pagkatapos ay idinaan na lang niya sa biro ang paalalang ituloy lang ang laban para sa pagbabago sa bansa.

Aniya, "Ako naglaba ako. Hiniwalay ko ang puti sa de kolor para walang mahawa. Madali lang mamili ng tama at mali. chot!"

Continue reading below ↓

ALEX MEDINA

Tila hindi naman makapaniwala si Alex Medina sa lakas ng loob ni Ronald "Bato" dela Rosa, dating Philippine National Police (PNP) chief at senatorial candidate, na gawing biro ang trabaho ng isang senador.

Sa Facebook account ni Alex ay ibinahagi niya ang quote card tungkol sa "first agenda" ni Bato sakaling siya ay manalong senador.

Kalakip nito ang direct quote mula kay Bato na nagsasabing:

"Meron bang mga seminar diyan? Training para gumawa ng batas?

"Kung meron, I will take that opportunity. Pag UP, hindi na ako pupunta kasi alanganin ako diyan.

"Magtawag-tawag ako kina Koko Pimentel, JV Ejercito kung ano ba talaga ang trabaho ng senador, what do I need to prepare."

Hirit ni Alex ukol sa katawa-tawang sagot ni Bato: "Sa unang tingin mukhang photoshopped pero pag tinignan mo totoo siya."

Dagdag ng aktor, "Hindi kaya decoy itong si Bato para mabaling ang atensyon natin mula sa mga kababalaghang nagaganap? Para siyang clown eh."

Continue reading below ↓

ENCHONG DEE

Si Enchong Dee naman ay may paalala sa mga kapwa-artistang dismayado sa resulta ng 2019 elections.

Isa si Enchong sa mga nakilahok sa pagboto noong Lunes, kahit na isang oras daw silang pumila sa kanilang designated precinct sa Quezon City.

Pahiwatig niya, ang tunay na may malasakit sa bayan ay hindi lang dapat tuwing eleksyon nagiging bukas sa pagtuligsa sa anumang isyu sa bansa na kanilang hindi nagugustuhan.

Continue reading below ↓

Tweet ng aktor: "A celebrity who prefers to stay silent during non-election years, and prefers popularity over socio-political conversations, for me, is very much late to voice out their dismay."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JK Labajo tweets about his disappointment over winning candidates in the 2019 elections: ""kakabuyset. yoko na. alis nako lipat nako sa ibang bansa. source of entertainment yung gobyerno natin dito. nagiging showbiz narin. literal ang daming artistang pulitiko. lol. malacanang tv."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results