Teri Onor advises Vice Ganda to enjoy current relationship

by Rose Garcia
May 15, 2019
Teri Onor (in photo) to Vice Ganda: "Huwag mong intindihan ang sinasabi ng iba, ang importante, kayong dalawa, masaya."
PHOTO/S: Rose Garcia

Masaya si Teri Onor para sa kaibigang si Vice Ganda, na napapabalitang karelasyon ngayon si Ion “Kuya Escort” Perez.

Ayon kay Teri, “Kahit naman sino, basta tinanggap kami, hindi ikinahiya, sa ganoong paraan pa lang, e, dapat na maging masaya tayo, support na lang tayo.

“Siyempre may mga taong nagkokondena, kasi hindi naman nila naiintindihan.

“Hindi nila naiintindihan... at saka ibigay na natin kay Nanay Vice.”

Katuwiran ni Teri, “Ilang taon niya tayong pinapasaya.

“Hindi lang basta saya, sobra-sobrang saya ang ibinibigay niya sa atin.

“Ibigay na natin sa kanya yun na siya naman ang lumigaya ngayon.”

Ang hangad daw niya ay mag-enjoy lang si Vice ngayon.

Mensahe pa niya, “Enjoy lang, enjoy lang kapatid.

“Kung ano ang kaligayahan na natatamasa, nararamdaman mo ngayon sa feeling ng taong mahal mo, enjoy-in mo lang.

“Huwag mong intindihan ang sinasabi ng iba, ang importante, kayong dalawa, masaya.

Continue reading below ↓

“Kasi, sa isang relasyon katulad sa amin, ang sumisira lang talaga yung mga tao sa paligid.

“So, bakit mo sila iintindihin kung masaya naman kami?”

TERI ONOR’S LOVE LIFE

May karapatang magpayo si Teri pagdating sa relasyon dahil 19 taon na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Sabi niya, “Hindi namin binibilang o sinusukat kung ilang taon na, nagugulat na lang kami na, ‘Hala, matagal na pala tayo?’

“Saka kapag nakita namin ang mga pamangkin namin, may anak na, may apo na kami...

“Minsan, siya pa nga ang nagpapaalala, ‘Love, dinner tayo.’

“Ako naman, ‘Ano meron?’ Tapos sasabihin niya, ‘Anniversary natin… awww...’ kaya ganun.”

Ang payo raw ng nanay ni Teri ang isa sa sikreto ng matatag na relasyon nila ng boyfriend.

Saad niya, “Hindi ko makakalimutan ang sabi ng nanay ko na, dapat, malaman mo ang tatlong magic ng pag-ibig.

Continue reading below ↓

“Ito yung respeto, tiwala, at komunikasyon.”

Dagdag ni Teri, “Although tayo, dapat sa isang relasyon, matuto tayong sumakay ng LRT.

“Sa bawat station ng LRT, babaan natin.

“Doon natin makakasalamuha ang iba’t ibang klase ng tao at iba’t ibang klase ng pagsubok sa buhay.

“At kapag narating mo hanggang sa dulo ng istasyon, doon mo mari-realize at nabuo mo ang love, respect, at trust.”

Halos dalawang dekada na ang relasyon ni Teri sa kanyang boyfriend. Wala ba silang planong magpakasal?

Ayon kay Teri, “Magna-nineteen years na kami, hindi na... hindi na, e.

“I have so much respect sa Church, and hindi rin naman ako against sa same-sex marriage or yung union na sinasabi.

“Pero the mere fact na alam namin sa isa’t isa, alam ng family namin, alam ng mga kaibigan namin, alam sa work, happy na kami dun.”

Continue reading below ↓

Hindi rin naman daw basehan ang kasal para masabing magtatagal ang isang pagsasama.

“Hindi rin, kasi ang pagmamahal naman, yung sinasabi ko nga, yung tatlong magic ng pag-ibig,” diin ni Teri.

Hindi ba nila napag-uusapan ang magpakasal?

“Biniro ko siya minsan, kasi may mga friends kami.

“Sabi ko, ‘Love, magpakasal naman tayo, o.’

“Sabi niya, ‘Ano ka ba?!’

“Pero ayoko rin kasing gawin yun."

Paliwanag ni Teri, “Gusto ko siyang magkaroon din ng pamilya, asawa, at mga anak.

“Sabi ko sa kanya, 'Mag-asawa ka na, magkaanak ka na.

"'Para at least, meron tayong anak na inaalagaan, at wala namang mababago.'

“Hindi naman kasi ako against dun, mag-girlfriend ka, mag-asawa ka, normal niyang buhay yun.

“Basta huwag lang mag-bading.”

POLITICS AND SHOWBIZ

Huling termino na ni Teri bilang board member ng Bataan.

Tatakbo sana siyang vice mayor ng Abucay, Bataan, nitong May 2019 elections, pero kinausap daw siya ng governor ng Bataan na huwag muna siyang tumakbo.

Continue reading below ↓

“Kinausap ako ni Governor Abet Garcia, so bale magiging consultant ako at mag-e-end ang term ko this June.

“Then, nakatutok ako sa mga barangay sa Abucay.

“Lahat ng concern ng barangay, sa akin dadaan. Diretso pa rin, e.”

Bukod dito, balik-showbiz din si Teri.

May sarili na siyang production company, ang T.O.E.S. (Teri Onor Entertainment Services).

Ipinag-produce niya ng concert ang matalik na kaibigang si Anton Diva, ang Anton Diva: Shine XXII A.D., na gaganapin sa Cuneta Astrodome sa June 15.

Pagkatapos ng concert ni Anton, magpo-produce din daw si Teri ng indie film na siya ang gaganap na bida.

Saad niya, “Gusto kong maipakita ang talento ko as stage actor.

“Ako na rin ang magpu-produce dahil wala naman kasing nag-aaksayang mag-produce sa akin!” natatawang biro niya.

“Pero ang script ay isinulat at ididirek ni Carlos Morales.

“Nag-meeting na rin po kami, ang tagal na rin po, three years ago na rin naming pinaplano.

Continue reading below ↓

"So ngayon, masisimulan na siya."

Isang schizophrenic-autistic albino raw ang role niya. At hindi raw Nora Aunor acting ang mapapanood sa kanya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teri Onor (in photo) to Vice Ganda: "Huwag mong intindihan ang sinasabi ng iba, ang importante, kayong dalawa, masaya."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results