Winwyn Marquez laughs off reports linking her to Alden Richards

by Rose Garcia
May 16, 2019
Winwyn Marquez
PHOTO/S: Noel Orsal

Pinagtawanan ng actress-beauty queen na si Winwyn Marquez ang balitang may namamagitan sa kanila ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

“Hindi ko nga alam, e,” nagtatakang sabi ni Winwyn nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng Dahil sa Pag-Ibig kagabi, May 15.

“Actually, hindi ko nga alam kasi, nag-start yun sa opening ng McDonalds.

"E, si Alden naman, kaibigan ko naman ever since.

“Yung teleserye niya na One True Love, nandoon ako.”

Isa si Winwyn sa mga kaibigang artista ni Alden na naimbitahan para magbigay ng suporta sa aktor nang buksan nito ang sariling branch ng McDonalds sa Biñan, Laguna.

Marahil ay nabigyan ng ibang kulay ang pagdating ni Winwyn at ang mga larawan na kuha sa opening dahil, diumano, silang dalawa ni Alden ang palaging magkatabi.

Continue reading below ↓

ALDEN RICHARDS AND WINWYN MARQUEZ ARE JUST GOOD FRIENDS

Natawa na lang daw si Winwyn noong makarating sa kanya ang balitang nali-link pala siya kay Alden.

“Lahat naman yata nali-link kay Alden,” sabi niya.

Napag-usapan na nila ni Alden ang isyu sa kanila?

“Hindi pa namin napag-uusapan, wala, wala e.”

Sabi pa ni Winwyn, “Matagal na kaming magkaibigan ni Alden at alam naman ng lahat na mabait si Alden. Sweet sa lahat. Natawa lang talaga ako.

“My gosh, isa na rin ako sa na-link kay Alden. Nakakatawa!

"Parang, bakit? Nabigyan lang talaga nila ng malisya.”

Hindi kaya magkaroon na ng ilangan ngayon sa pagitan nilang dalawa?

Paniniguro ni Winwyn, “No, kasi we’re friends, e. We’re good friends.

"Kunwari, parang nabasa sa ‘yo, like ni Alden, like sa mga Instagram, public naman yung account namin.

"Hindi lang naman ako yung nila-like ni Alden.

“Meron akong na-like sa kanya, meron siyang na-like sa akin, wala naman talaga."

Continue reading below ↓

NOT APPROPRIATE TO BE LINKED TO ALDEN

Mas natawa si Winwyn nang tanungin kung bukas siya sa posibilidad na magkagustuhan sila ni Alden.

“Parang hindi naman yata tama na tanungin ako ng ganun!

"Si Alden, I don’t think he’s ready for something like that."

Sabi pa ni Winwyn, “Hindi rin ako ready.

“I’m enjoying yung single moment ko. Kasi, ngayon lang din ako naging single talaga.”

Huling relasyon ni Winwyn ay sa dating boyfriend na si Mark Herras.

Aware ba ang ex niya sa isyu sa kanila ni Alden?

“I honestly don’t know,” sabi niya.

“Hindi na rin naman kami nakakapag-usap ni Mark.”

Dahil sa isyung ito, sentro na rin ngayon si Winwyn sa pamba-bash ng ilang fans.

“Deadma naman ako sa mga pangba-bash, actually, nagulat na lang din ako saan nanggaling yung story.

"Wala naman kaming itinatago, nag-uusap naman talaga kami ni Alden kapag nagkikita.

Continue reading below ↓

"And he’s very sweet naman din talaga sa lahat."

Minsan pa, tinanong namin si Winwyn kung totoong walang namamagitan sa kanila ni Alden at hindi dahil sa takot lang siya na ma-bash.

“Hindi, wala talaga,” nakangiting sabi niya.

“Yung sa bash naman, kasi siguro sa Instagram ko, naka-filter yung Instagram ko ever since, so di ko nababasa.

“Kapag tina-tag ako sa ibang account siguro, pero sa IG ko, hindi.”

Nabigyan din ng ibang kulay nang makita ang pinsan ni Winwyn na si LJ Moreno-Alapag sa grand opening ng McDo branch ni Alden.

Pamangkin si LJ ng ina ni Winwyn na si Alma Moreno.

Tila may mga nagulat at nagkuwestiyon kung close o magkakilala raw ba si LJ at Alden.

Paliwanag ni Winwyn, “Kasi, yung pinsan ko, si LJ, may common friend sila ni Alden na close kay Alden. Sinama niya si ate LJ.

Continue reading below ↓

“Sa akin naman, siguro invited ako sa lahat ng opening niya before, nagkataon lang na ito lang ang napuntahan ko.

"Yung Concha’s niya sa Tagaytay, yung dito, ito lang ang napuntahan ko."

DAHIL SA PAG-IBIG PREMIERES MAY 20

Sa Lunes, May 20, simula na ng bagong afternoon drama series ng GMA-7 na Dahil sa Pag-Ibig.

Matured at daring na Winwyn daw ang mapapanood sa kanya.

“Well, kasi yung story, umiikot siya sa apat na tao talaga.

"First part, kay Sanya [Lopez] at sa family niya, kay Ben [Benjamin Alves].

“Dito kasi, lahat kami ay may pinaghuhugutan. So, wala siyang yung kontrabida talaga.”

Pero siya ang tila kontrabida sa serye?

“Siguro kailangang abangan kung kontrabida, kasi hindi siya yung sobrang black na kontrabida. Kailangan din abangan kung ano ba yung kanya-kanya naming sikreto na itinatago.

"Sa part ko, kulang siya sa pag-ibig," pagwawakas ni Winwyn.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Winwyn Marquez
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results