Toni Gonzaga accepts father's defeat in mayoral race in Taytay, Rizal

by Bernie V. Franco
May 17, 2019
ABS-CBN host-actress Toni Gonzaga opens up about her father's loss in the mayoral race in Taytay, Rizal.
PHOTO/S: Noel Orsal

Tanggap ni Toni Gonzaga ang pagkatalo ng amang si Carlito “Bonoy” Gonzaga sa mayoral race ng Taytay, Rizal, nitong katatapos lang na 2019 midterm elections.

Si Bonoy ay nagsilbing vice mayor ng Taytay bago tumakbo sa pagka-mayor.

Ang kalaban nitong si Joric Gacula ang nanalong mayor ng Taytay.

Nakausap si Toni ng entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa press conference ng ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home Extra Sweet nitong May 16, Huwebes.

Dito ay tinanong siya kung kumusta ang kanyang ama pagkatapos malaman ng kanilang pamilya na talo ito sa eleksyon.

Sagot ng TV host-actress, “Okay naman siya.

"Kasi matagal nang nasa public service si Daddy and alam niya ang politics. Sanay na sanay na siya sa politics.

“Prepared kami sa outcome from the very start… prepared na yung family namin.

“And my dad did his best. He fought a good fight, he fought clean.

Continue reading below ↓

"That’s what’s more important.”

Sa tantiya ni Toni, may siyam hanggang 12 taon naging public servant ang ama.

TONI GONZAGA THANKFUL THAT HER FATHER IS ALIVE

Ang mahalaga raw sa kanilang pamilya ay buhay at ligtas ang kanyang ama.

Makahulugang pahayag ni Toni, “What I’m really thankful for after this whole campaign, that he is alive, that he’s safe up to this day.

Continue reading below ↓

"That’s what we are thankful for...

“After everything that he has been through and what we have witnessed the whole campaign, the only thing that we are grateful for is that my dad is still alive.

"And he’s still with us. And he’s happy with his family."

Nakatanggap ba ng banta sa buhay ang kanyang ama during the campaign season?

Umiwas si Toni na direktang sagutin ang tanong.

Pahayag niya, “I don’t wanna go into details about the whole situation that happened.

“What I really wanna say is, I’m thankful and I'm grateful sa love and support na nakita namin.

“I’ve never seen this much love and support mula sa mga kababayan namin, and that is enough for me to be grateful for… all the love na na-receive namin.”

Continue reading below ↓

SUPPORT SYSTEM

Ano ang sinabi ni Toni sa kanyang ama nang lumabas ang resulta ng botohan?

“Ang daddy ko kasi magaling magdala, kasi matagal na sa pulitika, kaya alam niya ang ganitong mga pangyayari,” aniya.

Paano ipinakita ni Toni ang suporta sa ama pagkatapos nitong matalo?

Saad niya, “Wala naman nagbago sa amin during the campaign and after the campaign.

“We’re solid as a family, so wala namang nagbago.

“Mas umigting yung pagmamahal, mas masaya kami actually, kasi mas makakasama na namin siya lagi pag nagta-travel kami.

"Hindi na siya uuwi nang maaga, kasi lagi niya kaming iniiwan pag nagta-travel kaming family. Kasi nga, may responsibility siya.

“Ngayon, sabi namin, puwede na siyang mag-stay with us.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN host-actress Toni Gonzaga opens up about her father's loss in the mayoral race in Taytay, Rizal.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results