Bayani Agbayani reunites with John Lloyd Cruz at Malacanang private dinner

by Bernie V. Franco
May 17, 2019
Bayani Agbayani talks about his reunion with John Lloyd Cruz at the Malacanang private dinner for celebrity supporters of President Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Nagkuwento si Bayani Agbayani, 50, sa estado ng buhay ngayon ng kaibigang si John Lloyd Cruz, 35.

Nagkausap at nagkumustahan muli ang dalawa sa private dinner sa Malacañang, kasama ang iba pang celebrity supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte, noong May 7.

Kabilang sina John Lloyd at Bayani sa inimbitahan sa star-studded private dinner.

Ayon kay Bayani, “Nakasama ko si John Lloyd dun sa dinner. Nakita ko siya.

“Tuwang-tuwa ako kasi ang tagal ko na rin siyang di nakita.

“Alam mo, si John Lloyd ang isa sa mga aktor na hinangaan ko sa pagkatao niya, tsaka sa kanyang pag-acting.

“At nakasama ko na rin siya sa abroad.

Patuloy niya, “Napakabait at napakagaling na aktor ni John Lloyd.

"Ako, isa sa mga nanghihinayang na dapat talaga bumalik siya sa showbiz.

"Dahil isa siyang kawalan, kung walang John Lloyd sa industriya.

“Kaya tuwang-tuwa ako nung makita ko nga siya sa dinner.

Continue reading below ↓

"At nayakap ko nga siya at nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-holding hands. At nag-usap kami,” may halong birong kuwento pa ni Bayani.

Isa’t kalahating taon nang hindi aktibo sa showbiz si John Lloyd mula nang mag-indefinite leave siya noong October 2017.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bayani sa press conference ng ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home Extra Sweet nitong May 16, Huwebes.

Si John Lloyd ang orihinal na bida ng nasabing sitcom, na kinabilangan din ng girlfriend niyang si Ellen Adarna.

Sa reformatted show, isa si Bayani sa mga bagong dagdag sa cast, gayundin sina Vhong Navarro, Alex Gonzaga, at Luis Manzano.

BAYANI AGABAYANI GIVES UPDATE ABOUT JOHN LLOYD CRUZ

Pagkatapos ng presscon proper, nilapitan ng PEP.ph si Bayani para usisain pa tungkol sa pagkikita nila ni John Lloyd.

Lahad ng komedyante, “Alam mo, nagkita kami ni John Lloyd, nagbiro pa siya.

Continue reading below ↓

“Sabi niya, ‘Isama mo kaya ako [sa taping ng Home Sweetie Home]?’

"Kasi nagti-taping kami nun. Itinigil yung taping kasi apat kaming mawawala, e—si Toni, si Alex, ako, tsaka si Vhong.”

Pare-parehong dumalo sa Malacañang private dinner ang apat na artista.

“E, nagkataon naman yung lamesa ko, andun din si John Lloyd. Sa harap ko talaga siya.

"Kaibigan ko kasi si Lloydie. Napakabait na tao at napakagaling na artista.

“Sabi ko, ‘Lloydie, nagti-taping kami. Tumigil lang kami, nagti-taping kami ng Home Sweetie Home.’

"Sabi niya, ‘Ano kaya kung sumama ako tsaka itong si Ellen, tapos sabihin ko, Eto na ‘ko!’

"Pero nagdyu-joke lang naman.”

Paglalarawan pa ni Bayani kay John Lloyd: "Ang tingin ko naman, napakasaya niya sa ginagalawan niya ngayon."

JOHN LLOYD HAPPY WITH HIS FAMILY LIFE

Tanong namin kay Bayani: Kumusta si John Lloyd?

Continue reading below ↓

“Okay naman siya.

“Nag-aalala nga siya, kasi yung mga cell phones, iniwan lahat sa labas, e.

"Yung anak niya nasa Cebu, baka daw tumawag, emergency.

"Hindi natin masabi... walang matatawagan sa kanilang mag-asawa kaya gusto niyang lumabas.

“E, nagkataon naman na nandun na ang Presidente.

"Pag nandun na ang Presidente, wala nang puwedeng lumabas. Ganun pala yun.”

Sa isang interview noong July 9, 2018, kinumpirma ng abugado nina John Lloyd at Ellen, si Atty. Rebo Saguisag, na nanganak si Ellen noong June 27, 2018.

Tinanong din ng PEP.ph si Bayani kung may nabanggit si John Lloyd tungkol sa pagbabalik nito sa showbiz.

“Wala naman siyang sinabi. Binibiro lang niya ako na sasama daw siya pagbalik sa set.”

Sa palagay ba niya ay masaya ngayon si John Lloyd sa pribado nitong buhay?

Sagot ni Bayani, “Happy, happy si Lloydie.

“Tsaka siyempre, may anak na, e. Ang sarap-sarap magkaanak, e.

Continue reading below ↓

“Tsaka happy rin kami sa kanya.”

Pero umaasa si Bayani na hindi tuluyang isara ni John Lloyd ang pinto nito sa showbiz.

“Pero sana sa mas lalong madaling panahon, maisipan niyang bumalik.

“Kasi kailangang-kailangan siya ng industriya.

"Kasi isang John Lloyd ang nawala sa industriya, e. Kakulangan naman talaga.”

JOHN LLOYD CRUZ REMAINS THE SAME

Sa mga lumabas na larawan sa social media, nag-iba ang hitsura ni John Lloyd, na nagpahaba ng buhok at nagpatubo ng balbas.

May iba pa bang napansing pagbabago si Bayani kay John Lloyd?

"Yun pa rin," tugon niya.

"Alam mo, si Lloydie, even before, kapag nasa limelight siya, pag kausap mo siya, para siyang wala sa limelight. Humble...

“Alam mo, makikita mo kung sino ang mga sinasamahan niya—yung mga staff.

“Tsaka ano 'yan, galante.

“Kahit nung nasa ibang bansa kami, siya lahat ang gagastos.

"Kasi alam niya may asawa ka na, mas kailangan ng pamilya mo ang pera mo. Siya naman, binata pa [noon].

Continue reading below ↓

“Siyempre, ngayon siguro iba na rin ang pananaw niya sa paggastos.

“Pero ganun si John Lloyd. Napakabait na tao.”

BAYANI AND HIS FRIENDSHIP WITH JOHN LLOYD

Paano nabuo at nagsimula ang pagkakaibigan nila ni John Lloyd?

“Nagpunta kami ng Barcelona, mga 2006,” pag-alala ni Bayani.

Para raw ito sa isang show ng TFC o The Filipino Channel, global subscription ng ABS-CBN, sa Spain.

“Tapos nung hindi na siya makakauwi sa hotel [room] niya, sabi ko, ‘Dito ka na matulog sa hotel ko.’ Tapos sabay na kaming kumain.

“Pagdating dito, pinagkukuwentuhan namin yun.

“Siyempre, nagkikita-kita kami dito, dinadalaw ko na siya sa set [ng Home Sweetie Home].

“Tapos, hindi pa ako sa Home Sweetie Home, pag lalabas sila para mag-unwind nang kaunti, sumasama na ‘ko.”

“Minsan sa sasakyan ko pa sila sumasakay.

“Nakikikain pa ako sa kanila every lunch.

Continue reading below ↓

“Pag may taping ako, kasi may nagluluto sila Direk Bobot [Mortiz] ng lutong bahay, nilalagay nila sa catering, e.

“Kaya pag dumadaan ako, ‘Ooops, kumakain na kayo,’ kakain pa ako dun,” ani Bayani, na ang tinutukoy ay kapag napapadaan siya noon sa set ng Home Sweetie Home.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bayani Agbayani talks about his reunion with John Lloyd Cruz at the Malacanang private dinner for celebrity supporters of President Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results