Is Janella Salvador ready to fall in love again?

by Melba R. Llanera
May 17, 2019
Janella Salvador: "Siguro I've gone through a lot with my past relationship, alam ko na kung ano ang kaya ko at hindi ko kaya."
PHOTO/S: Instagram

Sa kabila ng hindi magandang paghihiwalay nila ng ex-boyfriend na si Elmo Magalona, hindi isinasara ni Janella Salvador ang kanyang pintuan sakaling may bagong pag-ibig na kakatok sa buhay niya.

“Wala pa naman as of now, pero kung may dumating, may dumating.

“I cannot answer it right now. Pero, yun nga, when it comes, I'll know if I'll be ready," saad ni Janella nang nakapanayamn ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa MYX Music Awards, na ginanap sa The Tent ng Vertis North, noong Miyerkules, May 15.

Bagamat maraming pinagdaanan ang huling pakikipagrelasyon niya, marami raw natutunan at nadiskubre si Janella sa sarili dahil sa nangyari.

“Siguro I've gone through a lot with my past relationship, alam ko na kung ano ang kaya ko at hindi ko kaya.

“Kung ano ang dapat kong kayanin sa relationship, yung limits ko. Yung mga limits ko, alam ko na.

Continue reading below ↓

“Well, hindi naman maling magmahal. Pero dapat kasi sa isang relationship, both sides. Dapat give and take kayo. Dapat ganun.”

JANELLA SALVADOR AND DAD JUAN MIGUEL SALVADOR

Samantala, ipinagmalaki ni Janella ang singsing na ibinigay sa kanya ng amang si Juan Miguel Salvador.

Matagal na hindi nagkaroon ng komunikasyon ang mag-ama, hanggang sa gumawa ng paraan si Janella mismo upang mag-reconnect sa nawalay na ama.

At ngayon nga ay maayos na ang kanilang relasyon.

Sabi ni Janella, “Okay kami, heto yung bigay niyang ring.

“Daddy gave it to me kasi habang daw hindi pa ako kasal, siya daw yung guy sa life ko, so heto.

“Super okay kami ng daddy ko. Bini-visit ko siya every time na may time ako.”

Ano naman ang reaksiyon ng ina niyang si Jenine Desiderio sa pakikipag-ayos ni Janella sa kanyang ama? Kumusta na ang relasyon nilang mag-ina?

Ayon sa Kapamilya actress-TV host, “Okay naman siya.

Continue reading below ↓

“My mom and I, also, we see each other pa rin.

“It's getting better, getting there na.”

Sa ngayon ay naka-focus daw si Janella sa kanyang musika.

Tiyak ding ikatutuwa ng kanyang fans na malapit na siyang mapanood muli sa isang teleserye sa ABS-CBN.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador: "Siguro I've gone through a lot with my past relationship, alam ko na kung ano ang kaya ko at hindi ko kaya."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results