Former actor Daniel Figueroa passes away

by Jojo Gabinete
May 17, 2019
Daniel Figueroa, a former actor handled by late director Maryo J. de los Reyes in the '90s, passed away Thursday night, May 16, due to kidney failure.
PHOTO/S: Facebook

Kidney failure ang sanhi ng pagpanaw ng former actor na si Daniel Figueroa Huwebes ng gabi, May 16.

Discovery at talent si Daniel noong dekada ’90 ng sumakabilang-buhay na direktor na si Maryo J. de los Reyes.

Ang Sa Ngalan ng Pag-Ibig, Bala at Lipistik, Abel Morado: Ikaw ang May-Sala, at Ikaw Lang Ang Mamahalin ang apat sa 11 pelikula na ginawa noon ni Daniel.

Continue reading below ↓

Si Direk Maryo ang direktor ng lahat ng pelikula niya.

Nag-lie low si Daniel sa showbiz at umuwi sa bayan niya sa Gapan, Nueva Ecija nang magkaroon siya ng mga personal na problema.

Dahil sa kanyang kidney ailment, sumailalim si Daniel sa dialysis treatment at makikita ito sa kanyang larawang ginamit niya na Facebook profile.

Continue reading below ↓

"God heal me" ang Facebook post ni Daniel noong May 11, 2019—limang araw bago siya bawian ng buhay.

Nakaburol ang bangkay ni Daniel sa San Vicente Chapel sa Gapan, Nueva Ecija.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Figueroa, a former actor handled by late director Maryo J. de los Reyes in the '90s, passed away Thursday night, May 16, due to kidney failure.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results