Toni Gonzaga surprised about invitation to Malacanang private dinner with other celebs

by Bernie V. Franco
May 18, 2019
Actress-host Toni Gonzaga reveals that she herself is surprised about getting invited to the private dinner held in Malacanang last May 7.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagkuwento si Toni Gonzaga tungkol sa pagdalo niya sa naganap na private dinner kasama ang iba pang celebrity supporters ni Pangulong Duterte sa Malacañang Palace noong May 7.

Bukod kay Toni, naimbitahan din sa event ang kanyang nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga at asawang si Paul Soriano.

Marami pang artista ang dumalo, at kabilang dito sina Richard Gomez, Robin Padilla, Ai-Ai delas Alas, John Lloyd Cruz, Cesar Montano, Phillip Salvador, Ruffa Gutierrez, Aiko Melendez, Vhong Navarro, at iba pa.

Ang kuwento pa ng Pinoy Big Brother host, first time niyang ma-meet si Pangulong Duterte.

"Okay naman. First time ko siyang ma-meet in person. First time ko siyang makaharap at makasama sa ganong gathering."

Inilahad din niya kung ano ang naganap sa dinner event.

"Pagdating namin don, naghintay lang sandali, nagsalita siya, nag-address ng mga isyu.

"Naaala ko pagtapos niyang magsalita, sabi namin ni Alex 'tsaka ni Paul, 'Puwede kayang magpa-picture?’ Kasi first time naming ma-experience na to be invited by an elected president, who is currently serving in Malacañang.

Continue reading below ↓

"So first time naming ma-experience don."

TONI CLUELESS WHY SHE WAS INVITED

Ang mga napiling pumunta sa event ay ikinukunsiderang supporters ni President Duterte, at binatikos sila ng mga netizens na anti-Duterte.

Sa kabilang banda, may mga pumunta rin na inimbitahan lamang, at hindi sila necessarily Duterte supporters.

Sa part ni Toni, kahit siya ay nagulat daw na naimbitahan sa pagtitipon.

"Ang alam ko lang, siguro na-invite kami dahil kay Kuya Robin. Siguro feeling ko dahil don.

"Pero di ko alam ang basis kung bakit kami na-invite.

"Basta it was a private invitation na pinadala sa amin."

Pagpapatuloy niya, "Lahat kami nagkagulatan, 'Ah, invited ka pala.' Kasi it was such a private invitation na hindi namin alam kung sino yung mga makakasama namin.

"So nagkakagulatan kami pag may dumarating, 'Ah, invited ka pala.'

"Di rin namin alam kung bakit kami yung mga napili na dumating because I wasn't active nong during the campaign ng Presidente.

Continue reading below ↓

"Hindi naman ako nangampanya, kaya nagulat din ako na invited."

TONI'S REACTION TO SOCIAL MEDIA BACKLASH

Ano ang masasabi ni Toni tungkol sa mga netizens na may negatibong reaksiyon sa pagsulpot ng mga artista sa event?

Malaki ang pasasalamat ni Toni na hindi raw siya ganoon ka-active sa social media, kaya hindi siya masyadong apektado.

"Yun ang okay sa wala kang social media. Wala kasi akong Twitter, wala akong Facebook, so hindi ko talaga alam yung backlash na nangyayari.

"Pinaparating lang sa akin ng mga may Twitter, may social media, 'Uy, ganito ang nangyayari.' But, you know, at the end of the day, everyone is entitled to their own opinion. They're all free to say whatever it is they wanna say and I respect that."

REUNION WITH JOHN LLOYD

Ikinuwento rin ni Toni na nakasama niya sa iisang table ang dating leading man at co-star sa sitcom na si John Lloyd.

Continue reading below ↓

Nagtambal sila sa 2010 blockbuster-hit movie na My Amnesia Girl, at gumanap na mag-asawa sa Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home.

Pero nagpaalam si John Lloyd sa sitcom nang mag-indefinite leave ito noong October 2017.

"Same table kami. Normal lang," sagot ni Toni nang kamustahin ang pagkikita nila ng dramatic actor.

Hindi rin daw sila nakapag-usap nang maayos dahil hindi raw akma ang pagkakataon.

"Kasi yung scenario and yung gathering, hindi appropriate para pag-usapan yung trabaho because it was such a formal meeting.

"Walang nag-uusap about work, e. We were just there. And we were all waiting kung ano yung magiging talk ng president sa aming lahat."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-host Toni Gonzaga reveals that she herself is surprised about getting invited to the private dinner held in Malacanang last May 7.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results