Alex Gonzaga to be declared persona non grata in Paranaque after comment vs city mayor?

by Bernie V. Franco
May 18, 2019
Alex Gonzaga is set to have a "formal meeting" with Paranaque City Mayor Edwin Olivarez to talk about the former's controversial comment during the campaign season.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nag-react si Toni Gonzaga sa lumabas na isyung idedeklara umanong persona non grata ng Parañaque City ang kapatid na si Alex Gonzaga.

Noong campaign season, nagpakawala si Alex ng hindi magandang akusasyon laban kay mayoral candidate at incumbent mayor ng siyudad na si Edwin Olivarez.

Nanalo si Olivarez sa katatapos lamang na 2019 midterm elections.

Maraming supporters ng alkalde ang hindi natuwa kay Alex nang tukuyin niya ang mayor na "may pagkamadugas" nung nangampanya ang actress-host sa naturang siyudad para sa ini-endorso niyang party list.

Nakunan sa video ang pahayag ni Alex, at kumalat ito sa social media, kung saan inulan ng pambabatikos si Alex mula sa mga supporters ng mayor.

Kaugnay nito, nagsalita naman si Toni sa kinasasangkutang isyu ng nakababatang kapatid.

Aniya, inaayos na ito ni Alex, at makikipagpulong daw siya sa kampo ng Parañaque mayor.

"She said that she's dealing with the matter privately with the city already, and they're gonna have a formal talk and have a formal meeting,” paliwanag ni Toni sa panayam ni ABS-CBN entertainment reporter MJ Felipe noong May 16, Huwebes.

Continue reading below ↓

Dugtong ni Toni, "I guess from this, there are lessons learned, and she will move on from this and babaunin niya dito yung lessons na natutunan niya."

Samantala, itinanggi naman ng siyudad ng Parañaque na may hakbang silang ideklarang persona non grata si Alex. Ito ay ayon sa panayam ng ABS-CBN News kay Paranaque City Administrator Ding Soriano.

Sinabi rin ni Soriano na nakarating kay Olivarez ang komento ni Alex, pero hindi niya ito pinersonal dahil "it’s part of politicking."

Continue reading below ↓

Hinimok din ng city administrator si Alex na maging maingat sa kanyang mga pahayag, lalo pa’t marami umano siyang followers.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga is set to have a "formal meeting" with Paranaque City Mayor Edwin Olivarez to talk about the former's controversial comment during the campaign season.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results