Megan Young squelches wedding rumors

by Rommel Gonzales
May 18, 2019
Megan Young admits she was shocked when she heard about the news that she and boyfriend Mikael Daez already got married: “Oo nga e, nagulat nga ako, e! Narinig ko rin."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

“Mabuti naman,” ang sagot ni Megan Young nang kumustahin namin sila ng boyfriend niyang si Mikael Daez.

Any wedding plans?

“Nothing yet!” mabilis niyang tugon.

Itinanggi ni Megan ang balitang ikinasal na sila ni Mikael.

Aniya, “Oo nga e, nagulat nga ako, e!

“Narinig ko rin.

“I think my mom was the one who asked me.

“No, we’re not married. So ayun.”

Engaged na ba sila?

Tanggi niya, “No.

“You’ll just find out one day if we’re married siguro. Ganun na lang.

“Alam niyo naman kami, quiet lang naman kami.”

Gusto na ng ina ni Megan na magka-apo kina Megan at Mikael.

Pakiusap niya, “Sabi ko huwag na muna.”

Wala raw silang ideal age ni Mikael sa pagpapakasal at pagbuo ng pamilya.

Saad niya, “If it happens when I’m married, then it happens.”

Continue reading below ↓

Sigurado raw na hindi ngayong 2019 sila magpapakasal at magkakaanak ni Mikael.

Estima niya, “Maybe in the next couple years. I don’t know.”

Walong taon na ang relasyon nina Megan at Mikael.

Ano ang gagawin niya kapag biglang nag-propose ng kasal si Mikael.

Ani Megan, “Then we’ll plan!

“But for me and Mikael kasi, we don’t really have a timeline for things like that.

“We talk about it a lot, but as of now, it’s not in our plans just yet.

“But you never know. We’re very spontaneous.

“You never know if like, ‘Oh okay, are we going to get married? When?’

“And then we’ll just decide.”

Si Mikael na raw ang forever niya kaya “yes” ang isasagot niya kapag inalok siya nito ng kasal.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Megan noong nakaraang Martes, May 14, sa Empire Studios sa Uptown Mall, Bonifacio Global City.

Continue reading below ↓

BUSY WITH WORKSHOPS

Sa May 25 ay may workshop on Personality Development and Public Speaking ang Empire.PH na ang mentor at motivational speaker ay si Megan.

May bahagi ba ang workshop tungkol sa pagiging beauty queen?

Gumawa ng history si Megan nang siya ang tanghaling kauna-unahang Pilipinang Miss World noong 2013.

Paliwanag ni Megan, “There are parts from my training, but if anybody asks me then I can share, at least, but it’s mostly tackling personality development and public speaking—things that people can use in their everyday lives.

“Hindi lang siya parang basta naka-focus sa pagiging beauty queen kasi ayokong mag-exclude ng ibang tao.

“Gusto ko lahat ng gustong mag-improve yung that part of themselves, they can join.

“If you want to learn something more about yourself, you can join this.

“If you wanna try something new, you can join this workshop also.”

Puwede rin daw sumali ang mga lalaki sa one-day/six-hour workshop.

Continue reading below ↓

Naniniwala si Megan na importante ang personality development at public speaking sa pagkakaroon ng self-confidence.

Saad niya, "Personality development is finding your inner self.

“Knowing yourself more, your strength, your weaknesses, how you can use that to your advantage, how do you apply that to your everyday job.”

Makakatulong din daw ito sa stress management.

Available online ang tickets sa Empire Exclusives workshop series na pangungunahan ni Megan, o kaya naman ay maaaring bumili sa Empire Studios, na matatagpuan sa second floor, Uptown Mall, BGC.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megan Young admits she was shocked when she heard about the news that she and boyfriend Mikael Daez already got married: “Oo nga e, nagulat nga ako, e! Narinig ko rin."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results