Sue Ramirez enjoys duties, perks as Korean tourism ambassador

by Rommel Gonzales
May 18, 2019
Sue Ramirez enjoys her responsibilities and perks as honorary Korean tourism ambassador.
PHOTO/S: @sueannadoodles on Instagram

Halos isang buwang nag-shoot sa Korea si Sue Ramirez (bilang si Shine Mapalad) para sa pelikulang Sunshine Family.

Kasama ni Sue ang iba pang cast members nasina Shamaine Buencamino (as Sonya Mapalad), Nonie Buencamino (Don Mapalad) at Marco Masa (as Max Mapalad).

Hindi naman daw araw-araw ang kanilang shoot.

Lahad niya, “Nagbigay po sila ng mga proper na rest days para makapagpahinga din po sina Tito Nonie at Tita Shamaine since sila talaga yung medyo bugbog dito sa project na ‘to.

“Very considerate po yung Korean production namin na strict sila sa resting period na ibinigay po nila sa amin. They respect that.”

Ang Sunshine Family ay ipapalabas sa mga sinehan sa June 5.

Produced by Spring Films/FILM LINE Pictures Productions LTD, ito ay sa direksyon ni Kim Tai Sik.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sue sa mediacon ng Sunshine Family sa Tipsy Pig, Timog Avenue, Quezon City nitong nakaraang Huwebes, May 16.

Continue reading below ↓

KOREAN TOURISM AMBASSADOR

Samantala, si Sue ay isang Korean ambassador at pinagkuwento namin siya tungkol dito.

Paglinaw niya, “Korean Tourism Ambassador po, for the Philippines.

“Paano ba ako napili?

“I think po… ahh, kasi galing po ito kay Ate Jessy Mendiola.

“Nung natapos na po yung kanyang contract, they looked for another na puwede pong maging Korean Tourism Ambassador, so I’m very lucky to have been chosen.”

Ano ang mga duties ni Sue as Korean Ambassador?

Patuloy niya, “My duties po is kapag every time na they have events, I have to be present, and I have to perform.

“And yung pinakamalaking responsibility I think na pinakamadaling gawin for me kasi ang mga Pilipino napakahilig na po natin talaga sa lahat ng klase ng Korean—K-pop, K-drama, K-beauty, K-skin care—lahat-lahat ng Korean.

“So sobrang dali ng work ko for Korean Tourism Organization dahil ang kailangan ko lang ay i-promote ang tourism ng Korea which is already loved by Filipinos.”

Continue reading below ↓

Wala raw suweldo si Sue bilang ambassador pero libre lahat ng biyahe niya sa Korea, pati na rin ang food and accommodations, and with allowance o per diem.

Dagdag niya, “Pero may kasama po kailangan na show.

“Like recently, I went to Korea this year with Pia Wurtzbach for her travel show sa Metro channel, so iyon po yung scope.

“Ako yung nag-tour po sa kanya [Pia].”

Hindi pa raw fluent mag-Korean si Sue pero nakakabasa at nakakapagsulat raw siya ng Korean words.

“But hindi ko naiintindihan masyado,” pag-amin niya.

Since 2016 pa Korean Tourism Ambassador to the Philippines si Sue.

Aniya, “Magti-three years na po.

“Kaka-renew ko lang po, for a year, for 2019.”

Tatlong taon rin daw Korean Tourism Ambassador si Jessie.

Sino ang pumili sa kanya?

“Yung mismong... I think yung ambassador po and yung PR team from the Embassy,” pakli niya.

Continue reading below ↓

RESPONSIBILITIES AS AMBASSADOR

More on imaging and social media ang responsibilidad ni Sue, at isa rin ito sa mga dahilan kung bakit nakuha siya para sa pelikulang Sunshine Family.

Pagmamalaki niya, “Yes po, I was handpicked po!”

Sa tatlong taon ay tatlong beses na ring nakapunta si Sue sa Korea.

Ang nasa kontrata raw niya ay once a year siyang bibiyahe patungong Korea.

ENJOYING THE PERKS OF HER JOB

Ayon pa kay Sue, “Everytime na pumupunta ako ng Korea, hindi po ako pumapayat!

“Dahil ang pagkain dun, kung napakasarap na ng Korean food dito sa atin, pagdating niyo ng Korea, ibang level yung sarap ng pagkain!”

May na-meet na raw siyang Korean star, si Shin Woo ng Blanc7 na isang K-pop boy band.

Ang paborito naman ni Sue na nais niyang ma-meet in person ay ang Korean star na si Kim Soo-Hyun ng My Love From Another Star.

Continue reading below ↓

“Kakalabas lang niya ng army so baka ito na yung chance ko,” at tumawa si Sue.

Sa tanong kung sino ang pipilin nuya si Kim Soo-hyun o Joao?

“Joao,” at tumawa muli si Sue.

Magkasintahan sina Sue at Joao Constancia ng BoybandPH.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sue Ramirez enjoys her responsibilities and perks as honorary Korean tourism ambassador.
PHOTO/S: @sueannadoodles on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results