Is Sanya Lopez willing to audition for Darna role?

by Rommel Gonzales
May 19, 2019
Sanya Lopez on possibility of auditioning for Darna role: "Basta merong binigay na invitation sa GMA for audition, why not po? Basta po pumayag ang GMA.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Kahit nasa ABS-CBN/Star Cinema ang movie rights ng Darna, may Kapuso stars na naku-consider ng netizens para gumanap bilang iconic Pinay superhero.

Isa na rito si Sanya Lopez.

Reaksiyon ng Kapuso actress, “For me po, nakakatuwa na kinu-consider nila ako as Darna kasi hindi naman basta Darna lang si Darna.

“She’s an icon and sobrang strong ng personality and an empowered woman.

“Sabi ko nga po, kapag kinonsider ka nang ganito, nakakatuwa po talaga.”

Pero naniniwala ba si Sanya na imposibleng ibigay sa kanya ang naturang project dahil taga-GMA siya?

“Sabi naman po nila, di ba? Walang imposible.

“Pero ang sa akin naman po, parang, kumalat po yung audition, sabi ko po sa kanila, basta merong ibinigay na invitation sa GMA for audition, why not po?

“Basta po pumayag ang GMA,” diin niya.

INVITATION TO AUDITION

May natanggap ba siyang invitation para mag-audition?

Continue reading below ↓

Tugon niya, “Hindi ko po alam, wala pa pong sinasabi [ang GMA].

“Well, basta ako naman po, okay lang, e.

“Sabi ko nga po, hindi ko na po iniisip kung sinuman yung gaganap na Darna.

“Kung sinuman, basta ang importante po sa akin, yung mas mabibigyan niya ng justice o mas mapaghahandaan niya yung character ni Darna o yung role ni Darna, kasi she’s an icon.

“Lalo na sa ating mga Pinoy, Pinay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sanya sa mediacon ng Dahil Sa Pag-ibig kung saan gaganap si Sanya bilang si Mariel.

Ginanap ang mediacon nitong nakaraang Miyerkules, May 15, sa 17th floor ng GMA Network.

CHALLENGING ROLE

Maituturing ba itong pinakamabigat na papel ni Sanya bilang isang artista?

Saad niya, “Well, sa Encantadia, mabigat lang yung mga fight scenes namin.

“Sa Haplos, mabigat din po. Sa Cain at Abel, mabigat din.

Continue reading below ↓

“Siguro po mabigat din po. I mean, hindi ko masasabing hindi rin, kasi nakita nman po natin [sa trailer during the mediacon].

“Kumbaga parang for me, yung Dahil Sa Pag-ibig, mas intense nga lang.

“Mas meron ng… marami na kaming love scenes, siguro, mas matitindi yung awayan at harapan namin.

“So iyon po.”

Gaganap na asawa ni Sanya sa programa si Benjamin Alves (as Eldon) at dati niyang kasintahan si Gary (played by Pancho Magno).

Bida rin sa Dahil Sa Pag-ibig si Winwyn Marquez bilang si Portia.

Mas matindi ang mga lovescenes ni Sanya dito kumpara sa ibang nagawa na niyang teleserye.

Pagsang-ayon niya, “Opo, sa Cain at Abel, kiss-kiss lang.”

CAREER BEFORE LOVE LIFE

Sa istorya ng Dahil Sa Pag-ibig ay gagawin niya ang lahat para maka-ipon ng perang pantubos sa kanyang mister.

Sa tunay na buhay, ano na ang pinakamatinding nagawa niya sa ngalan ng pag-ibig?

Continue reading below ↓

Pag-amin niya, “Wala pa po akong alam, e.”

Hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Sanya kahit minsan.

“Never pa po,” pakli niya.

Bakit?

Pahayag niya, “Hindi ko po alam, parang mas, ngayon kasi mas masaya po talaga ako sa ginagawa ko.

“Siguro mas natutok lang po ako ngayon sa, ito na muna yung priority ko bago yung lovelife.”

Career daw ang focus ni Sanya ngayon.

Aniya, “Parang feeling ko, makakapaghintay ang lovelife, tsaka hindi ako naghahanap, e.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez on possibility of auditioning for Darna role: "Basta merong binigay na invitation sa GMA for audition, why not po? Basta po pumayag ang GMA.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results