Vice Ganda gets bashed over tweet about shopping; ABS-CBN star lashes back

by Bernie V. Franco
May 20, 2019
Vice Ganda lashes at bashers accusing him of being insensitive, materialistic, self-centered after his tweet about going shopping.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Tinawag ng ilang netizens na "insensitive," "materialistic," "self-centered," at ilan pang mapanirang akusasyon si Vice Ganda dahil sa tweet nito tungkol sa pagsa-shopping.

May 18, Sabado, nag-tweet ang It’s Showtime host ng ganito: “Andaming nag aaway, andaming galit andaming nagkakagulo sa twitter, sa fb sa ig. Valakayojen!!!! Shopping muna ko. More shoes! More outfit! More fun! My life is sooooo good!”

Continue reading below ↓

NETIZENS BASH VICE GANDA

Nag-react agad ang ilang netizens na hindi nagustuhan ang post ni Vice.

Tweet ng isa: “this tweet reeks of privilege…. But what do we expect from her.”

Komento ng isa pa: “Sobra. Insensitive na, privileged pa. hayy.”

Sana raw ay makabili rin ng “sensitivity” at “empathy” si Vice.

Continue reading below ↓

Idinamay pa ng isang netizen ang fans ni Vice dahil pinuri pa raw ng mga ito ang pagiging materialistic ng kanilang idolo.

Sabi ng netizen: “Alleluias to this tweet just show how terribly disturbing your influence is on your followers. Apathy and materialism. Just what we need.”

Inakusahan din ng isa pang netizen si Vice na sa kabila umano ng pagtu-tweet nitong masaya siya, “in reality empty and sad, temporary happiness lang binibigay ng pera.”

Pang-aalipusta pa ng netizen kay Vice: “Paano magkakaroon ng peace of mind, and real ‘happy love life’ ang #baklangPEGASUS puro panlilibak, pang-iinsulto sa kapwa tao ang pinuhunan niya sa paglipad niya.”

Continue reading below ↓

VICE GANDA SLAMS BASHERS

Hindi naman nagpigil si Vice Ganda na sagutin ang kanyang bashers para ipagtanggol ang sarili.

Si Vice ay kasalukuyang nasa Canada dahil may naka-schedule siyang shows doon.

Unang buwelta ng Kapamilya host sa kanyang tweet nitong Linggo, May 19: “Nagtweet lang ako ng magshashopping ako sinabihan nako ng mga feeling WOKE ng ‘Privileged’!

"Bakit ako lng ba nakakapagshopping sa buong mundo? Mga shunga!

"Punta ka ng mall kahit walang trabaho nagshashopping!!!

"Dunung dunungan ang mga potahang feeling WOKE!”

Continue reading below ↓

Ang “woke” ay slang term na tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan sa diskriminasyon sa lipunan, kagaya ng opresyon at kawalan ng hustisya, ayon sa www.dictionary.com.

Diin pa ni Vice: “Sa mga Pilipino di pagiging ‘PRIVILEGED’ ang pagshashopping. Kahit mahirap nasa mall at may binibili.

"Kaya nga andaming mall sa Pinas dahil trip yan ng mga Pinoy.

"At kahit isa lang ang binili mo at sale pa shopping pa din un.”

Continue reading below ↓

Hindi rin daw niya kailangang ipagyabang ang kanyang kayamanan dahil pinaghirapan niya ito.

“And i dont have to brag about my monetary capabilities.

"Everybody knows im a millionaire because im a hardworking Filipino.

"Bitch!!! Sabay hampas ng balakang. Catwalk. Exit."

Pasaring pa ni Vice sa kanyang mga kritiko: “You don’t just say or tweet the word EMPATHY. You stand up and help.

Continue reading below ↓

"May mga natulungan na ba kayo? May mga nasagip na ba kayo?

"Maka empathy lang ang mga potaha! Nagshopping lang wala ng empathy!!!

"Empathy mo mukha mo!”

Continue reading below ↓

Samantala, ipinagtanggol naman si Vice ng kanyang supporters.

Deserve daw ng kanilang idolo ang tinatamasang buhay dahil pinaghirapan niya ito.

Ayon naman sa iba, masyadong hinimay ang simpleng tweet ni Vice.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda lashes at bashers accusing him of being insensitive, materialistic, self-centered after his tweet about going shopping.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results