Former Miss USA Olivia Jordan reveals she was molested, raped

by Bernie V. Franco
May 21, 2019
Miss USA 2015 Olivia Jordan posts a powerful message in light of an Alabama law criminalizing abortion with no exemption to rape and incest.
PHOTO/S: @theoliviajordan on Instagram / You Tube

“I was molested as a child and raped as a teenager.”

Ito ang inamin ni Miss USA 2015 Olivia Jordan sa kanyang Instagram post nitong May 20, Lunes.

Bahagi ito ng reaksiyon ng 30-year-old American beauty queen sa anti-abortion law na inaprubahan sa Alabama, U.S.A., noong May 14.

Nangangahulugang isang krimen ang pagpapa-abort, kahit biktima ng rape o incest ang isang babae.

Ang tanging exemption sa batas ay kung nanganganib ang kalusugan ng babae dahil sa pagbubuntis at kailangang magpa-abort para mailigtas siya.

Sabi ni Olivia, dahil sa kanyang mapait na karanasan, ang bagong batas ay itinuturing niyang “direct assault” sa katawan ng isang babae.

“Decisions were made for my body without my consent.

“My body and mind have been traumatized in ways I am still recovering from many years later.

“Maybe it sounds unjust to compare criminalizing abortion to being raped; but to me, it feels the same.”

Continue reading below ↓

Sa mahabang Instagram post ni Olivia, sinabi nitong sensitibo siya kapag ang pinag-uusapan ay anti-abortion.

Bumabalik daw kasi ang alaala ng kanyang mapait na karanasan.

Pero napagtanto raw niyang walang mabuting maidudulot kung makikipag-away siya tungkol sa paksa.

“I was educated in Catholic school, taught abstinence only 'sex education', I’ve watched a video of an abortion procedure, and I’ve done my research on both sides,” lahad ni Olivia.

Naniniwala man siya sa abortion, hindi raw niya ipipilit ang kanyang paniniwala sa ibang tao.

Kaya naman tinawag niyang “insane” kung ipipilit sa kanya na ituloy ang pagbubuntis ng isang babae kahit hindi ito handa.

“And I ask, if you could pause for one second and realize how insane it is to impose your views on me, to force me or any woman to endure a pregnancy she is not ready for, maybe even one she didn’t consent to in the first place,” diin niya.

Continue reading below ↓

OLIVIA JORDAN IS PRO-ABORTION

Paliwanag pa ni Olivia, may mga paniniwala siya, kagaya ng pagiging pro-abortion na dulot ng kanyang nakaraan, pero hindi niya pipilitin ang sinuman na makiayon sa kanya.

“I am pro-abortion, pro condoms and pro access to birth control. I would NEVER force you to have the same beliefs.

“Maybe you haven’t had the life experience I have had where your body has been controlled too many times without your consent but I have, and I will fight hard to stop any person from enduring the same fate.”

Punto pa niya, dapat igalang ang paniniwala ng bawat isa, hindi man ito pare-pareho.

“You get to do what’s right for you, I get to do what’s right for me.

“You can keep speaking out against abortion as I can see how important it is for you to share how you feel.

Continue reading below ↓

“But please don’t support policies that strip people of their rights and their free choice.

“Because when men make laws that govern women’s body without their consent, I feel like I am being assaulted all over again. I feel like we are letting the perpetrators win,” diin ni Olivia.

Sa 35-seat Alabama Senate, 25 sa mga legislators na pumabor sa ipasa ang panukalang batas ay mga lalaki.

Si Olivia ay naging second runner-up sa Miss Universe 2015, kung saan ang kinatawan ng Pilipinas na si Pia Wurtzbach ang nanalo ng korona.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss USA 2015 Olivia Jordan posts a powerful message in light of an Alabama law criminalizing abortion with no exemption to rape and incest.
PHOTO/S: @theoliviajordan on Instagram / You Tube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results