Vice Ganda tours Canada with mom, rumored boyfriend Ion Perez

by Bernie V. Franco
May 21, 2019
Vice Ganda recently visited a popular tourist attraction in Alberta, Canada, with mom Rosario Viceral and rumored boyfriend Ion Perez.
PHOTO/S: From Vice Ganda's Instagram Story posts

Nagkaroon ng pagkakataong magkasama-sama si Vice Ganda, ang ina nitong si Rosario Viceral, at ang rumored boyfriend ng It’s Showtime host na si Ion Perez sa kanilang trip sa Canada.

Si Vice at ang kanyang grupo ay nagtungo sa Canada para sa concert niya sa Calgary noong May 19 (Canadian time).

Ang grupo ni Vice ay binubuo ng kanyang mga kaibigan at katrabaho, kabilang na ang mga kasamahan sa It’s Showtime na si Jackque "Ate Girl" Gonzaga at si Ion, na mas kilala sa bansag na "Kuya Escort."

Pagkatapos ng concert, nag-share ng videos at photos ang Unkabogable Star sa kanyang Instagram Story na nagpapakita ng kanilang pamamasyal sa Alberta, Canada, noong May 20.

Nagtungo ang grupo sa kilalang tourist attraction doon na Banff Gondola, kung saan makikita ang scenic view ng Sulphur Mountain.

Sa photos at videos na ibinahagi ni Vice, makikitang nasa isang frame sila nina Nanay Rosario at Ion.

Continue reading below ↓

Sa isang photo naman ay magkakasama rin silang tatlo sa isang cableway ride.

Sa isa namang video ay makikita si Ion sa likuran habang kumukuha ng photo at videos si Vice kasama ang ina.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

FIRST MEETING WITH ION'S SISTER

Bago ito, noong May 3, nauna nang ipinakilala ni Ion si Vice sa kanyang kapatid na si Natalia sa Hollywood, California.

Nagtungo sila ni Vice sa U.S. para sa two-night concert doon ng Kapamilya TV host-comedian.

Wala mang direktang pag-amin, usap-usapan ang diumano’y pagkakaroon ng relasyon nina Vice at Ion.

Mas tumibay pa ang espekulasyong ito nang magbigay ng makahulugang pahayag si Vice sa kanyang birthday celebration sa It’s Showtime noong March 30.

Kasagsagan iyon ng panunukso sa kanilang dalawa ni Ion.

Makahulugang birthday message ni Vice: “Na-realize ko na ang wish ko lang, e, nagpapasalamat ako na ang mga tao sinusuportahan ako pag nagpapatawa ako.

“Maraming salamat po at sinusuportahan niyo ako pag nagpapatawa ako.”

“Sana suportahan niyo rin ako pag nagmamahal ako at pag may nagmamahal sa ‘kin.”

Binanggit ni Vice na marami ang natutuwa kapag nagpapatawa ang isang bakla, pero negatibo ang reaksiyon kapag nabalitang may karelasyon ito.

Continue reading below ↓

“Sana maging masaya tayo para sa isa’t isa.

“Hindi naman ikakabawas ng kasiyahan at pagkatao ninyo kung magiging masaya kayo sa kasiyahan ng iba,” pahayag ng comedian-host.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda recently visited a popular tourist attraction in Alberta, Canada, with mom Rosario Viceral and rumored boyfriend Ion Perez.
PHOTO/S: From Vice Ganda's Instagram Story posts
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results