Actors Lito Lapid, Bong Revilla win Senate seats in 2019 elections

by Arniel C. Serato
May 21, 2019
Lito Lapid (left) and Bong Revilla Jr. will make a comeback at the Senate where they both served from 2004 to 2016.
PHOTO/S: Courtesy: Lito Lapid / Bong Revilla Facebook

Tiyak na ang pagbabalik sa Senado ng mga aktor na sina Lito Lapid at Bong Revilla Jr.

Kabilang sila sa ipuproklamang bagong halal na 12 senador ng bansa ngayong umaga ng Miyerkules, May 22.

Alas-diyes ng umaga ang official proclamation ng mga nanalong senador sa 2019 mid-term elections.

Base sa final at official tabulation ng Commission on Elections (COMELEC) kagabi, May 21, napagtagumpayan ni Lapid na makopo ang ika-pitong puwesto at si Revilla naman ay nasa ika-11 puwesto.

Nakakuha si Lapid ng kabuuang boto na 16,142,536; si Revilla naman ay may total votes na 14,617,607.

Magbabalik sa Senado ang dalawa sa kabila ng mga kontrobersiya at pambabatikos na kinahaharap nila.

Si Lapid ay binabatikos ng mga "woke" na hindi raw marunong mag-English, pero nakalusot.

Si Revilla naman ay may kinahaharap na kasong plunder kaugnay sa maanomalyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Sina Lapid at Revilla ay two-termer senators na mula 2004 hanggang 2016.

BATCH 2019 SENATORS

Si incumbent Senator Cynthia Villar ang topnotcher sa senatorial candidates ngayong halalan.

Continue reading below ↓

Nakakuha siya ng kabuuang boto na 25,256,661.

Pumangalawa si Senator Grace Poe, anak ng beteranang aktres na si Susan Roces at ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe. Jr.

Nakakuha siya ng 22,011,745 votes.

Ang iba pang mga nakapasok sa Magic 12 ay sina: No. 3 Bong Go (20,622,925); No. 4 Pia Cayetano (19,762,584); No. 5 Bato dela Rosa (18,968,664); No. 6 Sonny Angara (18,142,536); No. 8 Imee Marcos (15,851,910); No. 9 Francis Tolentino (15,482,069); Koko Pimentel (14,646,191); at No. 12 Nancy Binay (14,496,350).

Nalaglag naman ang mga anak ni incumbent Manila City Mayor Joseph "Erap" Estrada na sina JV Ejercito (13th place, na may botong 14,300,350) at Jinggoy Estrada (15th place, na may botong 11,351,713).

Sa kabuuan, siyam sa 12 kandidatong nanalo ay mula sa PDP-Laban na partido ni Pangulong Rodrigo Duterte, at sa regional party na Hugpong ng Pagbabago (HnP) ng anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

Tatlo naman ang nanalong independent candidates—sina Villar, Poe, at Binay.

Walang nakapasok mula sa oposisyon, partikular na ang Otso Diretso ng Liberal Party.

Continue reading below ↓

Ang pinakamataas na puwestong nakuha ng oposisyon ay ika-14 (Bam Aquino)

Narito ang final ranking ng Top 15 senatorial candidates base sa inilabas ng @philstar.online:

Ala-una naman ng hapon ang proklamasyon ng mga nanalong Party-lists.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lito Lapid (left) and Bong Revilla Jr. will make a comeback at the Senate where they both served from 2004 to 2016.
PHOTO/S: Courtesy: Lito Lapid / Bong Revilla Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results