Ara Mina accepts dad's defeat in QC mayoral race; reveals why she did not run for councilor

by Rommel Gonzales
May 22, 2019
Actress Ara Mina says she decided not to run for councilor because of her father, Chuck Mathay: "Nung sinabi niya na tatakbo siyang mayor, hindi na ako sumabay."
PHOTO/S: Arniel Serato

Hindi pinalad ang ama ni Ara Mina na si Ismael “Chuck” Mathay III na manalo nitong nakaraang eleksyon.

Tinalo si Chuck ni Joy Belmonte sa pagka-alkalde ng Quezon City.

Sa presscon ng pelikulang The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story, kahapon, May 21, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang ama matapos ang eleksyon.

Ayon sa aktres, “Okay naman siya.

“Alam mo naman ang dad ko, lagi lang naka-smile, ako pa nga yung mas tensyonado bago mag-election.

“Kasi lagi naman akong nakasuporta sa kanya.”

Pagsisiwalat pa ni Ara, “Supposed to be, ako talaga yung tatakbo for councilor and then, siyempre, ayoko kasing sumabay.

“Nung sinabi niya na tatakbo siyang mayor, hindi na ako sumabay kasi na-try na namin yun before na sabay, ang hirap!

“Sobrang exhausted ako.

“So, sabi ko, susuportahan ko na lang siya.

"And okay lang din kasi yung business ko, medyo nasa pag-aayos ako ng system ngayon because I’m into franchising already.

Continue reading below ↓

“So, medyo hindi rin biro ang pag-set up ng system pag magpapa-franchise ka ng iyong business.”

WAITING FOR THE SIGN

May isa pang rebelasyon si Ara sa naudlot niyang pagtakbo nitong nakaraang eleksyon:

“At saka humingi rin ako ng sign kay God, e, if I’m going to run this election, hindi Niya ibinigay.

“So, wala yung sign.”

Ano ba ang sign na hiningi niya?

“Wala naman, simple ano lang naman... na makakita ako ng white flower, yung mga ganun.

“Hindi ako nakakita ng white flower, instead, red!” at tumawa si Ara.

“So, iyon siguro, inano ni Lord na mag-focus muna ako sa business,” pagtukoy niya sa Hazelberry Café niya sa Quezon City.

Patuloy ni Ara, “And after election... actually, before election, nag-enrol pa ako ulit, nag-refresher course ako para may mga bago akong cakes na ilalabas, kaya focused na focused ako dito.

Continue reading below ↓

“Pero at the same time, nakakasingit pa naman ako ng TV guesting and, like, ito nga, itong movie naisingit ko pa.

“And nama-manage naman nang husto yung time.

“So, I guess, hindi talaga time ng dad ko to be the mayor of Quezon City.

“Pero before, he was a former congressman.”

Sa 2022 elections, si Ara na ang tatakbo?

“May plano, pero depende pa rin, kasi marami pang puwedeng mangyari in three years, e.

“Baka mamaya sobrang busy na ako sa business ko at sabihin ko, hindi ko na maasikaso ang politics.

“So, we’ll see.”

Palabas ang The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story sa mga sinehan ngayong Miyerkules, May 22.

Kasama niya rito sina John Estrada (bilang Mayor Antonio Halili), Juan Miguel Soriano (as the mayor’s aide), Phoebe Walker (bilang Sweet Halili, anak ni Mayor Halili na kapapanalo lamang bilang bagong mayor ng Tanauan, Batangas),

Continue reading below ↓

Idinirek ito ni Ceasar Soriano, na gumanap din siya bilang isang journalist.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Ara Mina says she decided not to run for councilor because of her father, Chuck Mathay: "Nung sinabi niya na tatakbo siyang mayor, hindi na ako sumabay."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results