Kris Aquino reveals voting for 4 Otso Diretso, 2 admin, 2 independent candidates

by Arniel C. Serato
May 22, 2019
Kris Aquino on Liberal Party: "Maybe it’s also sickening to have been held responsible & accountable for the sins of certain members in the LP when i know we never enriched ourselves, we didn’t do a precursor to President Trump- nobody from our immediate family was appointed or held a position, we never even joined my brother in any of his foreign trips so as not to be accused of impropriety."
PHOTO/S: Courtesy: @krisaquino on Instagram

Ibinahagi ni Kris Aquino ang kanyang naging boto noong May 13 mid-term elections.

Sa kanyang Instagram post noong Lunes, May 20, isiniwalat ni Kris na apat lamang sa Otso Diretso, ang grupo ng senatorial candidates na kaalyado ng oposisyong Liberal Party (LP), ang kanyang ibinoto.

Kabilang sa Otso Diretso sina Bam Aquino, Mar Roxas, Chel Diokno, Erin Tañada, Pilo Hilbay, Samira Gutoc, Neri Colmenares, at Gary Alejano.

Ang mahigpit na kalaban ng Otso Diretso ay ang mga kandidato mula sa PDP-Laban ni Pangulong Rodrigo Duterte at Hugpong ng Pagbabago (HnP) ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Sabi ni Kris sa kanyang post: “because i’ve kept my sense of humor: opo, kahit mga pasa ko, dilawan.

"dapat lang dahil bunso ako ni cory at ninoy aquino.

“although in case you’re curious, bumoto ako ng 8 para sa Senado...

“kaya lang hindi direcho. 4 galing sa ocho, 2 admin, and 2 independents.

Continue reading below ↓

“i voted not along party lines BUT voted based on my personal choice because after all that’s one of democracy’s principles, 1 person, 1 vote.”

Ang “dilawan” na tinutukoy ni Kris ay ang bansag sa supporters ng Liberal Party.

“DDS o Duterte Diehard Supporters” naman ang tawag sa supporters ni Pangulong Duterte.

Hindi tinukoy ni Kris kung sinu-sino ang mga ibinoto niyang senador.

Continue reading below ↓

Ngayong umaga ng Miyerkules, May 22, naiproklama na ng Commission on Elections (Comelec) ang 12 nagwaging senador sa katatapos lamang na eleksyon.

Sila ay sina senators-elect Cynthia Villar, Grace Poe, Bong Go, Pia Cayetano, Bato dela Rosa, Sonny Angara, Lito Lapid, Imee Marcos, Francis Tolentino, Koko Pimentel, Bong Revilla Jr., at Nancy Binay.

Walang tiga-Otso Diresto na nakapasok sa Magic 12.

KRIS AQUINO EXPLAINS WHY SHE DID NOT VOTE FOR ALL LP CANDIDATES

Sa comments section, isang supporter ng LP at pamilya Aquino ang naghayag ng saloobin.

Mensahe ni @usrnameisinvalid: “Otso diretso is LP.

“We’ve done so much work defending LP, you and your family from bashers.

“The least you can do is set aside your personal issues and think of the implications of not having a strong and solid opposition in this circus govt.

“People are dying and you voted for the admin lapdogs. Wow.”

Continue reading below ↓

Ipinaliwanag naman ni Kris na hindi porke’t LP member ang kapatid niyang si former President Noynoy Aquino ay sunud-sunuran na rin silang apat pang magkakapatid.

Maipagmamalaki rin daw niyang hindi nagpayaman ang kanilang pamilya mula sa pera ng gobyerno.

Saad ni Kris: “@usrnameisinvalid, maybe because the LP isn’t synonymous to who we are as a family.

Continue reading below ↓

“Iisa lang naman sa limang Aquino ang nag LP, that was my brother.

“Maybe it’s also sickening to have been held responsible & accountable for the sins of certain members in the LP when i know we never enriched ourselves, we didn’t do a precursor to President Trump- nobody from our immediate family was appointed or held a position, we never even joined my brother in any of his foreign trips so as not to be accused of impropriety.

“So yes it is personal dahil tapos na kong manahimik sa pagbayad para sa mga kasalanan at pagkukulang nung mga ibang LP nung nabigyan sila ng pagkakataon ng mga botante.

“i am not my siblings, i won’t quietly take the punches because the truth is, we took the hits for the shortcomings of others. #truth

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino on Liberal Party: "Maybe it’s also sickening to have been held responsible & accountable for the sins of certain members in the LP when i know we never enriched ourselves, we didn’t do a precursor to President Trump- nobody from our immediate family was appointed or held a position, we never even joined my brother in any of his foreign trips so as not to be accused of impropriety."
PHOTO/S: Courtesy: @krisaquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results