Sen. Bong Revilla, may patutunayan sa Senado: "Ibang Bong Revilla ang makikita niyo diyan."

by PEP Troika
May 22, 2019
Senator-elect Bong Revilla: "Ako… patutunayan ko sa kanila, sa mga taong nam-bash sa akin, dumurog sa akin na mali yung pagkakilala nila sa akin."
PHOTO/S: Ramon Bong Revilla Twitter

GORGY RULA: Isasantabi muna ni Senator Bong Revilla ang kanyang showbiz career ngayong babalik na siya sa Senado.

“First love ko iyan, e. Saka yun ang ating bread and butter.

"Pero dito muna ako magpo-focus sa trabaho nating ito.

"Kapag okay na, stable na, marami na tayong accomplishments, saka tayo papasok.

“Titingnan natin. Basta, iayos muna natin ang trabaho,” pahayag niya nang nakausap namin nitong Mayo 22, Miyerkules ng tanghali, pagkatapos siyang maproklama bilang bagong halal na senador.

Balak sana niyang magsumite ng script na posibleng isali sa Metro Manila Film Festival, pero malabo na dahil priority muna niya ang trabaho sa Senado.

“Naghahanda na ako. Ibang Bong Revilla ang makikita niyo diyan.

“Mas seryoso. Basta, ibang Bong Revilla ang makikita nila,” tugon niya kaugnay sa pagsisimula niya bilang nagbabalik na senador.

Malaking hamon sa kanya ang patuloy na batikos at pagbira sa kanya sa social media. Kaya kailangan niyang ipakitang mali ang mga akusasyon sa kanya.

Continue reading below ↓

“Ako… patutunayan ko sa kanila, sa mga taong nam-bash sa akin, dumurog sa akin na mali yung pagkakilala nila sa akin.

“Kilala ninyo ako, hindi ako ganoong tao.

"Kaya sa mga taong nam-bash sa akin, patutunayan ko sa kanila at ipapakita ko na hindi ako yung tinutukoy nila.

“Hindi ako yung ganung klaseng tao,” seryosong pahayag ni Sen. Bong Revilla Jr.

Continue reading below ↓

Senator-elect Bong Revilla Jr. with his family after his proclamation

NOEL FERRER: The best weapon will always be a good work.

And if done consistently and with integrity, we look forward to seeing the best version of Bong Revilla Jr. after the grueling campaign and elections and four years in detention.

So, sa pagseseryoso niyang ito, wala munang pelikula at budots dance, na puwedeng-puwede namang gawin ngayon ni former Senator Jinggoy Estrada.

JERRY OLEA: Nag-cameo si Lucy Torres-Gomez sa pelikulang Ang Panday 2 (2011) na pinagbidahan ni Senator Bong Revilla.

Kuwento ni Congresswoman Lucy nang mag-guest sila ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa radio program na Level Up Saturdate with Noel Ferrer noong Mayo 18, Sabado ng gabi, “I needed classrooms sa Ormoc. May shortage.

“Parang iyong quota ng government for the district, konti lang. And so, pumunta ako kay Senator Bong, ‘Sige, bigyan kita ng classrooms, appear ka sa movie ko.’

Continue reading below ↓

“Hindi ako artista pero inisip ko rin, ‘Kung kukunin niya ako — diwata, multo, o kaya Mama Mary — okay na rin, walang speaking lines yun.

“So, talagang ibinigay niya ang classrooms.

“And then, si Senator Bong, ikinukuwento ng very good friend ko na sa gym daw, nagtatalo yung dalawang ano niya... polarized.

“And then, sinasabi sa trainer daw niya, ‘Bakit mo ibinoto si ganyan?’ And then, sabi rin niya, ‘Ako, ibinoto ko si Bong!’ ‘Ay! Ba’t mo ibinoto si Bong?’

“And then, sabi niya, ‘I work here every day. Ang dami kong kliyente na nakakahalubilo. A lot of them knew na may problema ako sa likod. Pero tanging si Senator Bong lang ang tumulong.’

“Na hindi siya nag-ask ng tulong, ha? Nang malaman ni Senator Bong na may problema siya sa likod, binigyan siya ng pang-ospital.

Continue reading below ↓

“Iniisip ko, from a voter’s perspective, you choose from a list of what... how many... and then, lahat sila, may pina-promise.

“Pero eto, na-try mo iyong kindness niya, di mo ba siya iboboto?” N

akatulong ba ang budots kay Bong?

“Oo!” mabilis na sagot ni Congresswoman Lucy, na sinundan ng tawa.

Ipinagbawal nga ba ang budots sa Ormoc?

Natawa rin si Mayor Goma bago nagsabi, “Very sexual kasi iyong dance, e. Lahat ng mga bata, naggaganunan sila,” pagmuwestra niya ng maharot na indak.

Dugtong ni Mayor Goma, “Uso sa Bisaya talaga yun. Uso talaga.”

Sundot ni Ma’am Lucy, “Uso sa mga barangay pero alam mong kahit may mag-lobby pa, hindi talaga siya magiging cultural dance.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator-elect Bong Revilla: "Ako… patutunayan ko sa kanila, sa mga taong nam-bash sa akin, dumurog sa akin na mali yung pagkakilala nila sa akin."
PHOTO/S: Ramon Bong Revilla Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results