Divine Aucina wants to relive the glory days of old-school dating

by Ruel J. Mendoza
May 26, 2019
Comedienne Divine Aucina (shown with Dear Uge co-star Dave Bornea) wishes to bring back the good old days of traditional dating: “Siguro panahon na para ibalik na ang totoong pakikipag-date. Hindi dinadaan sa social media o sa mga apps."

Sa panahon ngayon na dinadaan na ng mga millennials ang pagkakaroon ng mabilisang relasyon sa pamamagitan ng social media, hanap pa rin ng Kapuso comedienne at Dear Uge mainstay na si Divine Aucina ang tradisyonal na panliligaw.

Ito nga raw ang isa sa dahilan kung bakit wala pang serious relationship si Divine dahil sa mahirap daw makahanap ng seryosong makakarelasyon sa panahon ngayon.

“Iba ngayon talaga. Very informal na.

“Para sa akin, hindi seryoso ang pakikipagrelasyon through social media.

“Mabilisan ang gusto ng mga millennials. Gusto nila instant. Wala nang matiyaga.

“Kung gaano kabilis ang magkaroon ng relasyon ngayon, mabilis din ang pagtapos nito.

“From 'in a relationship,' mabilis mong mapalitan ng 'single,'” pahayag pa ni Divine sa panayam niya with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Dear Uge sa Barangay Mariana Hall in Quezon City.

DATING IN THE AGE OF SOCIAL MEDIA

Hangad nga raw ni Divine ang mala-fairy tale na relasyon, hindi raw yung dinadaan ang dating sa mga usong dating apps ngayon.

Continue reading below ↓

“Noong bata ako, gusto kong ma-experience yung maligawan—yung darating yung guy sa bahay namin at manliligaw nang pormal.

“Susunduin ka sa bahay, kakain kayo sa labas, bibigyan ka ng flowers at ihahatid ka.

“Yun ang gusto ko. Yung pormal, magpapakilala sa parents at magpapaalam.

“Ang romantic, di ba?

“Ngayon kasi, dahil may mga dating apps na, nagiging laru-laro na lang ang lahat.

“Sa totoo lang, nag-try din ako ng dating app out of curiosity.

“Sinubukan ko mag-Tinder at Grindr.

“Na-bore lang ako. Para kasing hindi kapani-paniwala ang mga chika nila.

“Yung nagpapa-impress sila sa taong hindi pa nila nakikita o nakikilala nang personal.

“Iba pa rin yung personal na kausap mo ang tao.

“Yung makikita mo yung sincerity sa mga mata niya at mga kinikilos niya.

“Sa social media kasi, di mo alam kung totoo ba o nagkukunwari lang ang kausap mo.

“Tsaka ngayon, panay sex na lang nasa isip ng mga tao na nasa dating app,” tawa pa ni Divine.

Continue reading below ↓

KEEPING THE DATING TRADITION ALIVE

Kaya ang payo ni Divine sa kapwa millennial niya, subukan daw ng mga ito na maligawan sa tradisyunal na paraan.

Hindi raw nadadaan sa mabilisan ang lahat.

“Siguro panahon na para ibalik na ang totoong pakikipag-date.

“Hindi dinadaan sa social media o sa mga apps.

“Mas masarap pa ring malaman na genuine ang feeling ng ka-date mo.

“Nandoon yung aalagaan ka, aalamin kung ano ang gusto mo.

“Yung may maganda at maayos kayo na interaction,” pagtatapos niya.



Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne Divine Aucina (shown with Dear Uge co-star Dave Bornea) wishes to bring back the good old days of traditional dating: “Siguro panahon na para ibalik na ang totoong pakikipag-date. Hindi dinadaan sa social media o sa mga apps."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results