Kung bibigyan siya ng pagkakataong maisapelikula ang kanyang buhay, ang pipiliin daw ng Chicago-based nurse/male balladeer na si Nick Vera Perez para mag-portray ng kanyang life story ay si Piolo Pascual.
Bukod kasi sa mahusay na aktor ay mahusay ding singer si Piolo tulad ni Nick.
At ano naman ang nais niyang ipakitang yugto ng buhay niya sa publiko?
Lahad niya, “Ang experience na gusto kong ipakita sa kanila, na no matter what the world is telling you, you still have to decide for yourself.
“Kasi yun lang naman talaga, e.
“Napansin mo, lahat ng hurdles ng buhay natin, it’s because naniniwala kayo sa sinasabi ng ibang tao.
“But the moment you mold yourself, it changes everything.
“O, sige. Sabihin mo na ganyan ako, ganito ako.
“Whatever you say, pero huwag kang magpapaapekto.
“You keep on moving, keep getting what you want, and you’ll really change, you’ll change everything.
“And then layuan mo lang ang mga taong negative.
“Change the negative things and you’ll change your life.”
PH CONCERT NEXT YEAR
Isang malaking tagumpay ang tour niya para sa kanyang album na I Am Ready.
Next year, isang malaking concert ni Nick ang gaganapin naman dito sa Pilipinas—sa Music Museum sa Greenhills.
Sina Martin Nievera at Ogie Alcasid ang nais niyang maging special guests sa naturang concert.
Sino namang mga local female artists ang hinahangaan niya?
Lahad niya, “Morissette Amon is perfect to me, nakaka-proud siya e, worldwide.
“I think she has to be given a bigger break than what she has now, I think dapat worldwide makita ang talent niya.
“Well, just like anybody, I'm big fan of Regine Velasquez.
“Sino ba ang hindi magla-love kay Regine? I like Regine so much.
“So, now umiikot na kami nationwide para sa album promo tour.
“And then what we’re planning next year is the grand concert, hopefully sa Music Museum sa May 2020.
“And after that, hopefully sa Asia.
“And after that, yung second album na.”
DISCOVERING NEW TALENTS
Bukod sa pagiging mang-aawit at nurse, binuksan na ni Nick ang kanyang company na NVP1World na layuning makadiskubre ng talents dito sa Pilipinas at sa Amerika.
Kuwento niya, “Ang bago ngayon is because I built my own company sa States which is NVP1 World, we recruit new talents.”
Ilan sa mga discoveries ng NVP1 World ay sina Rozz Daniels, Olivia St, Soul of One, Erika Mae Salas, at marami pang iba.
“Because I built my own company sa States which is NVP1 World, we recruit new talents, so Rozz Daniels is a product.
“Just like me, she is just starting but she is full of energy.
“So far, she is well-received by the crowd.
“Aside from that yung Soul of One, we want to introduce them individually this time.
“Kasi before group sila, so now we want you to see them kung gaano sila ka-effective at kagaling individually.
“And of course, nandiyan pa rin si Erika Mae Salas. So, now we’re just having fun,” pahayag pa ni Nick.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng entertainment media si Nick noong nakaraang May 16 sa Rembrandt Hotel, Quezon City.