Julia Montes returns to social media; still mum on reported childbirth

by Rachelle Siazon
May 27, 2019
Julia Montes breaks silence on social media to express support for ABS-CBN; netizens ask when will she address issue involving reported child with Coco Martin?
PHOTO/S: Noel Orsal / @cocomartin_ph Instagram

Tikom ang bibig ni Julia Montes nang pumutok ang balitang lihim niyang isinilang ang anak nila ni Coco Martin sa isang ospital dito sa Manila bandang unang linggo ng Abril.

Bago iyon, March 11 pa ang huling post ni Julia sa Instagram.

Matapos ang mahigit dalawang buwan, binasag ng aktres ang kanyang pananahimik sa social meda upang ihayag ang kanyang suporta sa ABS-CBN.

Si Julia ay homegrown talent ng ABS-CBN, mula sa kiddie gag show na Goin' Bulilit hanggang sa kasalukuyan.

Hindi pinalampas ni Julia ang pagkakataong manindigang isa siyang solid Kapamilya matapos kumalat ang Facebook post ng singer na si Jimmy Bondoc na "excited" na raw siya sa napipintong pagsasara ng "biggest TV network."

Binatikos ni Jimmy ang diumano'y mga insidente ng pang-aabuso sa kapangyarihan ng TV network sa "COUNTLESS VICTIMS" umano nito.

Hindi pinangalanan ni Jimmy ang network, pero malinaw na ABS-CBN ang tinutukoy nito.

Ito ay base na rin sa sunud-sunod na social media posts ng Kapamilya stars at employees na patuloy ang suporta sa Kapamilya network.

Continue reading below ↓

JULIA ON BEING A CERTIFIED KAPAMILYA

Kalakip ng logo ng ABS-CBN, ito ang kabuuang mensahe ni Julia:

"Maraming Salamat po sa istasyong patuloy na tapat nagseserbisyo at nagpapasya sa ating mga Kapamilya saan ma'ng sulok ng mundo...

"Salamat din po na sa 65 years ay isa po ako sa binuo nyo ang mga pangarap...

"Maraming salamat sa lahat ng oportunidad na ibinigay ninyo sa akin para mapakita ang konting pong kakayahan kong binigay ng Diyos...

"Salamat pong muli KAPAMILYA"

Mula ito sa Instagram post ni Julia noong Sabado, May 25:

STORIES WE ARE TRACKING

MISSING IN ACTION IN SHOWBIZ

Kasabay nito ay sinagot ni Julia ang ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz na nagsabing miss na nila ang aktres.

Huling napanood si Julia sa Asintado, ang ABS-CBN afternoon series na umere mula January hanggang October 2018.

Magiliw na nag-reply si Julia kina Miles Ocampo, Direk Noel Naval, at Cornerstone handler na si Mac Merla sa comments' section ng kanyang post.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

NETIZENS ON JULIA'S REPORTED CHILDBIRTH

Kapansin-pansin ding panay ang comments ng netizens tungkol sa patuloy na espekulasyon sa ugnayan nina Coco at Julia.

May iba namang tagasuporta ang dalawa na nagsasabing hindi na dapat pa pakialaman ang personal na buhay ng mga ito.

Hanggang sa kasalukuyan ay walang direktang pagtanggi o pagkumpirma ang dalawa tungkol sa sinasabing mayroon na silang anak.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Montes breaks silence on social media to express support for ABS-CBN; netizens ask when will she address issue involving reported child with Coco Martin?
PHOTO/S: Noel Orsal / @cocomartin_ph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results