Jimmy Bondoc clarifies statements against biggest TV network

by Gorgy Rula
May 29, 2019
Jimmy Bondoc: "Alam ko napakahirap paniwalaan nito, pero wala ho akong balak na magpapansin. Tapos na po ang eleksyon. Hindi ho ako nagpapapansin."
PHOTO/S: Gorgy Rula

Nilinaw ni Jimmy Bondoc, vice president for Corporate Social Responsibility Group ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ang sunud-sunod niyang posts tungkol sa “biggest TV network.”

Ayon sa dating singer, wala naman siyang binanggit na pangalan ng network.

Ito ay sa kabila ng malinaw na ang pinatutungkulan niya ay ang ABS-CBN, na kilala bilang pinakamalaking TV network sa Pilipinas.

Hindi rin ito kinumpirma ni Jimmy nang makapanayam siya ng programang Showbiz Talk Ganern sa DZRH, Lunes ng gabi, May 27.

Sa unang Facebook post ni Jimmy, sinabi niyang “I am so excited to see the biggest tv network close down.”

Nag-react dito ang ilang stars at nagtatrabaho sa Kapamilya network, dahil sa paniniwalang ito ang pinatatamaan ni Jimmy.

Lalo pa’t may banta si Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Saad ni Jimmy, “Yung post na yun, sabi nila, ang daming tinamaan dahil madaming sinabi.

Continue reading below ↓

“Sa isang banda, totoo.

“May tinamaan daw sa fixing ng mga contest, sa sexual harassment, sa unfair labor practices, sa malicious news.

“At ang sabi ng iba ng mga concerned na kaibigan ko, ‘Bakit ang dami-dami mo namang tinamaan na sabay-sabay mo silang inaway?’”

Paliwanag niya, “Una, hindi naman pag-aaway yun dahil wala naman tayong binabanggit na mga indibidwal.

“Pero iisa lang naman ang parang tumatahi sa lahat na yun ng mga isyu na yun at lilinawin.

“It is just really a very simple concept. It is unchecked power. Yun lang po.

“Kasi eto po, akala nila kalat kalat na tungkol sa sexual harassment, tungkol daw po sa malicious news and all that.

“Pero it is for me an issue of unchecked power.”

UNCHECKED POWER

Ano ang ibig niyang sabihin sa “unchecked power”?

Pahayag ni Jimmy, “Wala na ho kasing magawa ang kahit sino sa mga makapangyarihang network, na kahit ano na lang ang sabihin nila, lulunukin ng mga tao katulad ko na, palagay ko, mabuting mamamayan naman ako kahit papa’no.

Continue reading below ↓

“Parang, kahit na lang ba na kapag sabihin nilang, ‘Bobo ‘yan si Jimmy Bondoc, bakla daw si Jimmy Bondoc…’

“Hindi ko sinabing sinabi nila ‘yan, ha? I’m just giving an example.

“Kasi, I don’t want them to think na meron akong personal na vendetta, wala. Wala akong ganyan.”

Diin niya, “Wala akong malice. Walang malice ako to any person, paglilinaw ko ‘yan.

“Siguro ang huli ko lang salita, okey lang po ba sa kanilang lahat, lahat po na nagsalita, okay lang ba sa kanila ang sistema na ganun?

“Na kahit ano ay puwede nang gawin ng mga indibidwal na ito? Okay lang ba sa kanila yun?

“Yun lang po ang tanong ko.”

Dagdag pa ni Jimmy, “Wala po akong personal na galit kahit kanino.

“Hindi ko alam kung bakit aawayin ng kahit sino nang personal.

“Kung pinersonal nila yung sinabi ko, nais ko pong malaman kung bakit, dahil ang akin namang tinatanong sa kanila ay issue of unchecked power.

Continue reading below ↓

“Okay na ba sa kanila na kahit ano na lang ang sabihin sa balita, kahit anong pahaging…

“I do believe in the freedom of speech.

“Ako po ay nag-aaral ng batas na yun. Alam ko naman yung basic concepts ng freedom of speech.

“Hindi ako matalinong tao, pero hindi naman po ako na walang alam.

“I do know the limits of freedom of speech.

“Pero ang problema diyan sa limits po ng freedom of speech ay hangga’t walang nagkakaso, tutuloy lang ‘yan ang mga pang-aabuso ng freedom of speech.

“Iilan lang ba ang may kakayahan magkaso?

“So, ang sa akin, kahit na sino na lang.

“Sina Senator Bong Go, nagwagi na, babanatan pa.

“Parang, okay lang kung actual yung banat. Okay lang din ‘yan, kasali sa freedom of speech po ‘yan, kahit po nagkakatuwaan lang tayo.

“Pero kapag yung speech mo ay parang medyo tending towards medyo pasira na ng buhay, naninira na ng buhay, sunud-sunod, methodical, iba yun.

Continue reading below ↓

“Papunta na sa fake news.”

FREEDOM OF SPEECH

Tila malalim ang pinaghugutan ng mga pahayag ni Jimmy.

Pero dagdag niyang paliwanag sa sinasabing “freedom of speech”:

“Alam niyo, nagtitimpi na ako kasi favorite ko talaga ‘tong freedom of speech, e.

“Kasi para sa akin, hindi naman blogger ang network, e. Hindi sila puwedeng mag-rant.

“Ako, puwede ako mag-rant, tao ako, e.

“Pero sila meron silang sinumpaan.

“Alam ko naman pong medyo magaspang nang konti yung aking pagkaka-post.

“E, dahil naman po… sa pagaspangan lang, kulang pa po yun sa ginagawa ng mainstream media, sa totoo lang.

“Hindi ko nilalahat, pero dumami na talaga.

“Ang problema, siguro ang angal po ng iba sa mainstream media, ‘E, paano makipagsabayan sa blogger, e, kami may limitasyon. E, kami wala?’

“Ang sagot ko naman po dun, e, ganun talaga. Ganun talaga ang buhay.

“Ang mainstream media ay meron naman po silang nagagawa na hindi nagagawa ng blogger.

Continue reading below ↓

“So, kanya-kanya lang tayo ng strength.

“Pero kapag ang mainstream media nag-asal blogger na, delikado na po yung estado natin,” saad ni Jimmy.

TAKING AWAY THE JOBS OF MANY FILIPINOS

Ano naman ang reaksiyon ni Jimmy sa sinasabi ng iba na tila gustung-gusto nitong mawalan ng trabaho ang mga taong nagtatrabaho sa network, na sinasabing niyang masasaksihan niya ang nalalapit na pagkamatay nito.

Aniya, “Sa kakaunti na pagkakilala niyo sa akin, o sa kahit na mga katulad ko po, eto po very respectful ko na tanong: sa palagay niyo po ba ako yung ganung uri ng tao na matutuwa sa kawalan ng trabaho ng mga kapwa ko Pilipino?

“Yun lang po.

“Saka idadagdag ko na lang po kung saan po ba yung posisyon ko ngayon na ipinagkatiwala sa akin ng Pangulo.

“Sa community relations po ako… bukas po kasama ko si Senator Bong Go, mamimigay po ako ng mga relief goods sa mga nasunugan.

Continue reading below ↓

“Iyon po ang trabaho ko. Pag may lumalapit po sa amin, dinadala ko po sa HR namin para mabigyan po ng trabaho ng kumpanya kung saan po siya nararapat.

“Ang tanong ko lang po—hindi ko na ipagtatanggol ang sarili ko—meron ho ba talaga na normal na tao na yun ang totoong nanaisin?

“Sa palagay niyo po ba, kaya tinitira nila yun?

“Obviously, that is the best example of a malicious slant.

“Hinanap po nila kung ano po yung pinaka ano, ang paikutin nila ang ulo ng tao at yun ang binubugbog nila, kasi dun sila panalo.

“Pero hindi nila in-address yung basic na isyu na sinasabi ko—na bakit ganyan ang balita natin? Bakit ganyan ang balance of power na kahit sino na lang, puwedeng gawin kahit ano diyan sa mga tao diyan, at sa balita?”

SEXUAL HARASSMENT

Isa pang isyung binuksan ni Jimmy sa kanyang kontrobersiyal na Facebook post ay ang sexual harassment.

Continue reading below ↓

Tipid ang sagot ni Jimmy nang tanungin namin tungkol dito.

Hinihintay daw niya ang tamang panahong isiwalat ito lahat base sa mga nakalap niyang kuwento.

Posible itong umabot sa demandahan, pero may mga nakakausap naman daw siyang mga abugado na nakahandang tumulong kapag lumabas ito lahat.

“I-withhold ko muna ang ibang bagay, kasi that is a legal matter,” pakli ni Jimmy.

Dagdag niya, “Pero, ako po ba ang unang narinig niyo na nagkuwento ng ganyan tungkol sa network na ‘yan?

“Tao sa tao po, with all due respect sa lahat ng tatamaan, ako po ba ang unang naringgan sa kuwentong ‘yan?

“May mga nag-offer na po na mga abugado na kahit papano may tiwala sa akin.

“May mga kaibigan tayo na willing tumulong.

“Ayokong mag-escalate ang usapang into anything litigious. Hindi naman tayo nagkakasuhan dito, e.

“Pero kung doon umabot, handa naman tayo.

“Ang sinasabi ko lang, that is not the point. We’re talking about a social issue that is affecting everything.”

Continue reading below ↓

GRATITUDE TO ABS-CBN

Hiningan din namin ng reaksyon si Jimmy sa sinasabing “gratitude.”

Lumalabas na tila wala siyang utang na loob dahil sa may nagawa naman ang ABS-CBN sa kanyang singing career.

Ani Jimmy, “Ang gratitude, ang pasasalamat ay ibinibigay sa tao, sa indibidwal, yung mga nag-go out their way to help you, ipasok ka dun kahit may kumukontra o umaaway sa yo sa loob o may di gusto sa ‘yo.

“Ang gratitude po ay dun sa mga taong naniwala sa akin.

“Pero, yung maging grateful ka sa kahit na anong kumpanya o korporasyon, to the point na kahit mali pa ang gawin nila, grateful pa rin ako diyan.

“E, kahit kay Pangulong Duterte, hindi ko gagawin yun, e.

“Pag ako nakakita na parang, feeling ko, hindi talaga maganda, titiwalag ako.

“E, ako, hanggang ngayon, lamang na lamang para sa akin ang magagandang ginawa nina Pangulo.

“So, pati sa isang network ganun din.

Continue reading below ↓

“Ang gratitude ko sa tao, hanggang ngayon may naiisip ako na mga tao diyan, hindi na natin babanggitin, na alam ko pinaglaban nila ako kahit there were times na madaming galit sa akin diyan.

“I am very grateful…”

Sabi pa ni Jimmy, “I want to point out din po na, during the lowest times of my life, nung 28 years old ako, gumawa ako ng kanta na independent.

“Ni-record ko ‘yan sa kuwarto ko. Ibinigay ko ‘yan sa isang radio station, nag-hit ‘yan dahil sa radio station.

“I am very grateful, lalo na sa istasyon na yun, dahil bago ako nun, na feeling parang sinusuka ako sa industriya.

“I am very grateful to many people, not just to the network.”

Gusto ring linawin ni Jimmy na hindi siya nagpapansin o nagpapasikat sa ginagawa niyang ito.

Saad niya, “Alam ko napakahirap paniwalaan nito, pero wala ho akong balak na magpapansin.

“Tapos na po ang eleksyon. Hindi ho ako nagpapansin.

Continue reading below ↓

“Saka medyo nawala na ako sa pag-perform except in my own capacity na lang.

“Hindi ko pangarap ngayong sumikat, pero gusto kong makatulong in the last years ng buhay ko dito sa daigdig to correct one social wrong kahit isa lang.

“Kasi puro satsat tayo, e. Kailan pa natin maku-cure ito?

“Kasi naku-cure naman sa ibang bansa, e.”

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng ABS-CBN kaugnay ng mga ipinahayag ni Jimmy Bondoc.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Jimmy Bondoc, ABS-CBN
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jimmy Bondoc: "Alam ko napakahirap paniwalaan nito, pero wala ho akong balak na magpapansin. Tapos na po ang eleksyon. Hindi ho ako nagpapapansin."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results