KC Concepcion reacts to breakup and pregnancy rumors, body-shaming comments

by Bernie V. Franco
May 30, 2019
Actress-businesswoman KC Concepcion answers breakup rumors with French boyfriend Pierre Emmanuel Plassart.
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram

Sinagot ni KC Concepcion ang ilang isyung ibinabato ng netizens, kagaya ng paghihiwalay raw nila ng kanyang French boyfriend at buntis diumano siya.

Nagsimula ito sa Instagram post ni KC kamakailan patungkol sa mga negatibong tao.

Binanggit niya na ang pangangalaga sa katawan at sa sarili ay hindi lang nakadepende sa diet o kung ano ang kinakain.

Kasama rin daw rito ang pag-iwas sa mga negatibong tao, isipin, at sitwasyon.

Buong mensahe ni KC: “Although I love to be surrounded by pretty things, what matters most is what helps you glow from the inside- taking care of your thoughts, soul and body.

“Being on a diet isn’t always what you eat- doesn’t it also mean eliminating (or at least avoiding) toxic situations, people + thoughts from your everyday life?

“It’s actually simple. What you invest ur energy in, good OR bad, will grow.

Continue reading below ↓

“Everyday I try my best to watch what I think, and to stop when I feel self doubt.

“Everyday I try to surround myself with people who make me feel good, not otherwise, and I love being around people who I care about and admire. Hoping we all make it to living our best lives and get to share our energy wisely!!!”

Continue reading below ↓

KC CONCEPCION ON BREAKUP AND PREGNANCY RUMORS

Sa comments section, may netizens na inusisa si KC tungkol sa kanyang love life.

Obserbasyon ng isang netizen, hindi na raw madalas mag-post si KC kasama si Pierre Emmanuel Plassart, ang kanyang French filmmaker-businessman boyfriend.

Nag-assume din ang netizen na hiwalay na ang dalawa.

Komento ng netizen: "wala ng balita about your boyfriend. Dati panay ang post pero ngayon wala na. ganun lang ba yun? Ganun lang ka shortlived?”

Paliwanag naman ni KC, gusto lang niya ng privacy pagdating sa relasyon kaya hindi na siya nagpu-post kasama ang boyfriend.

Depensa niya, “Dahil hindi nagpopost at may konting privacy, ganun agad? Grabe [laughing emoji]”

Continue reading below ↓

Nag-react din si KC sa komento ng isang netizen na pumuna sa mga nagsasabing buntis daw ang aktres ngayon dahil blooming siya.

Komento ng netizen: "Bakit pangit ba si Ms. KC nuon? Bakit may nagcomment o nagtanong dito na PREGNANT Kasi blooming…? Napaka smart naman SA tanong na ito hehehe, pangit ba so KC Kung hindi pregnant??? What do you think???"

Reply ni KC: “Oh how i WISH i could be pregnant. Unfortunately, i’m not. I do want to have babies already though.”

Continue reading below ↓

KC CONCEPCION RESPONDS TO BODY-SHAMING COMMENTS

Samantala, sa parehong post ay may isang netizen din na umalipusta sa physical appearance ni KC.

Sinabihan ng netizen (@jameswalker1581) si KC na iwasan ang pag-inom ng alak at tanggapin nito ang kanyang sarili sa aspetong pisikal.

Buwelta naman ni KC: “@jameswalker1581 Avoid passive-aggressive bashing, dear, and accept your terribly sad approach on my comments section that just made you look bitter, judgemental, and quite bored actually.”

Continue reading below ↓

Nito namang Miyerkules, May 29, nag-post ang anak ng Megastar tungkol sa first anniversary ng kanyang jewelry line, ang Avec Moi.

Nagbalik-tanaw si KC kung paano nabuo ang kanyang business na pinangarap lang niya noon.

Kalakip ng post ay ang kanyang picture na naka-white top.

Ang sumalubong na unang comment sa post ni KC ay pang-aalipusta sa kanyang physical appearance.

Tinawag ng basher (@sunshinecruz5996) si KC na "mataba" at "balyena." Ikinumpara rin siya sa kanyang ina na si Sharon Cuneta.

Buong komento ng basher: “Ang taba mo nman kc, papaya ka nga, buti pa mommy mo pumapayat na ,ikaw ngiging balyena kana ,susme celebrity k p naman noh…hmmmm”

Sa kabila ng body-shaming comment ng netizen, naging maayos pa rin ang pagsagot ni KC dito.

Aniya, “@sunshinecruz5996 Thank you for body-shaming me. I’m sure you feel very proud of yourself.”

Continue reading below ↓

Naka-private ang account ng bahser na kapangalan ng aktres na si Sunshine Cruz.

Ngunit paglilinaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi kay Sunshine ang naturang account.

Sunud-sunod naman ang pagtatanggol ng netizens at supporters ni KC.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-businesswoman KC Concepcion answers breakup rumors with French boyfriend Pierre Emmanuel Plassart.
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results