Willie Revillame, idinawit sa vote-buying accusation laban kina Joy Belmonte, Gian Sotto

by Jojo Gabinete
May 30, 2019
PHOTO/S: GMA Network

Vote-buying ang reklamong inihain nina PDP-Laban Secretary General Edwin Rodriguez at PDP-Laban Campaign Manager Mike Defensor laban kay Quezon City Mayor-elect Joy Belmonte at Vice Mayor-elect Gian Sotto.

Tinalo ni Belmonte sa mayoral race sa Quezon City ang PDP-Laban bet na si Bingbong Crisologo, na sinusuportahan nina Rodriguez at Defensor, kaya ang dalawa ang nagsampa ng reklamo sa Commission on Elections.

Nakakuha si Belmonte ng 469,480 votes samantalang 366,215 ang mga bumoto kay Crisologo.

Nanalong bise alkalde ng Quezon City si Sotto, na may 382,393 votes, laban sa 343, 473 votes ni Jopet Sison ng PDP-Laban

Isinangkot nina Rodriguez at Defensor sa vote-buying complaint ang Kapuso TV host na si Willie Revillame dahil inakusahan nila ang popular host ng Wowowin ng pamumudmod ng pera nang ipangampanya nito ang kandidatura ni Belmonte.

"Pabayaan na natin sila," reaksiyon ni Willie tungkol sa pagkakasangkot niya sa isyu.

Hindi lamang si Belmonte ang ipinangampanya ni Willie noong nakaraang eleksyon.

Continue reading below ↓

Sinuportahan din ng Wowowin host ang mga kandidatura nina Senator Cynthia Villar, Las Piñas House Representative Camille Villar, at Senator-elect Bong Go na nanalo lahat.

Pero bukod-tanging ang kampo ni Crisologo ang nag-akusa kay Willie ng vote-buying.

May conflict sa pagsasampa nina Rodriguez at Defensor ng vote-buying complaint laban kay Willie dahil mga miyembro sila ng PDP-Laban, na partido ni Senator elect-Bong Go na ipinangampanya rin ng Wowowin host.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results