Actor-singer JM Rodriguez complains about kids using “fake PWD IDs”; PWD PH reacts

by Bernie V. Franco
May 31, 2019
Actor-singer JM Rodriguez's complaint about certain kids using fake PWD IDs at a newly-opened burger restaurant draws negative reactions from netizens.
PHOTO/S: JM Rodriguez Facebook / PWD Philippines Facebook

Nababatikos ngayon si JM Rodriguez dahil sa status niya sa Facebook, kung saan pinaratangan niya ang mga batang gumamit umano ng “fake disabled IDs” para magamit ang priority lane ng isang burger restaurant sa Taguig.

Burado na ang pahayag ni JM sa Facebook, pero may mga nakapag-screenshot nito at ni-repost sa social media.

Sa status ni JM, matutukoy kung bakit inisip niya na peke ang person with disability (PWD) IDs ng mga batang nakasabay niya sa restaurant.

Bagong bukas lang nitong Mayo ang unang branch sa Pilipinas ng sikat na burger restaurant chain na karaniwang pinipilahan ng customers sa international branches nito.

Sabi ni JM sa kanyang status: “Shame on you kids using fake disabled IDs to use the priority lane at Shake Shack.

"I’m so jealous of you LOL

"PS if they’re not in a wheelchair..don’t allow them !”

Continue reading below ↓

Inalmahan ito ng isang nanay na may anak na isang PWD.

Sa Facebook status ng netizen na si Celine Palafox, tinanong niya si JM kung paano ito nakatitiyak na peke ang pagkakaroon ng kapansanan ng mga batang nakita nito.

Inilahad ni Celine na mayroon siyang anak na may kapansanan, pero hindi ito mapapansin sa unang tingin dahil hindi ito naka-wheelchair.

Buong status ni Celine: "With all due respect Mr. Rodriguez, how sure are you that they were ‘faking’ their disability?

"I’m a mom of a PWD and although my son’s disability isn’t as visible as that being on a wheelchair, being able to have access to priority lane is part of his right/privileges as a PWD.

"Let’s not be too quick to judge please. You can bring your Lolo/Lola or even a friend who’s pregnant so you’ll have access to priority lane as well and we won’t have any problem with it."

Continue reading below ↓

Ang screenshot ng Facebook status ni Celine ang ibinahagi ng Persons with Disabilities (PWD) Philippines, isang non-government organization para sa mga taong may kapansanan.

PWD PHILS REACTS TO JM RODRIGUEZ

Noong May 28, Martes, naglabas ng opisyal na pahayag ang PWD Philippines hinggil sa isyu.

Nagpaliwanag ang PWD Philippines na may dalawang uri ng PWD.

Naka-tag din si JM sa Facebook status ng NGO at idiniin na hindi basta-basta napepeke ang PWD ID.

Paliwanag ng PWD Philippines: “Sa mga hindi nakaka-intindi, ang pagiging PWD ay hindi kailangang naka wheelchair lang.

"May dalawang uri po ng PWD, yung may apparent disability, tulad ng naka wheelchair, at yung non-apparent tulad ng may epilepsy, stroke and cancer survivors, lupus, etc.

"Naway mas maintindihan ito ni Mr. JM Rodriguez. hindi po napepeke nang madali ang PWD ID dahil may database po ang DOH na nakamonitor lahat ng may ID."

Continue reading below ↓

Ngayong Biyernes ng umaga, May 31, nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay JM via private messaging, upang kunin ang kanyang reaksyon hinggil sa isyu.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pa kaming nakukuhang sagot.

Agad naming ilalathala ang panig ni JM sa oras na sumagot ito.

Read Next
Read More Stories About
JM Rodriguez, PWD IDs
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-singer JM Rodriguez's complaint about certain kids using fake PWD IDs at a newly-opened burger restaurant draws negative reactions from netizens.
PHOTO/S: JM Rodriguez Facebook / PWD Philippines Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results