Loisa Andalio reveals how she and Maris Racal fixed their misunderstanding

by James Patrick Anarcon
Jun 2, 2019
Loisa Andalio on rekindling friendship with Maris Racal: "Hindi namin pina-awkward yung sitwasyon."
PHOTO/S: @twba / @starmagicphils on Instagram

Maayos na ang lahat sa pagitan ng magkaibigang sina Loisa Andalio at Maris Racal.

Unang nabalita ang pagkakaayos nila noong April 2019, nang nagkasama sila sa isang dinner kasama ang iba pang Star Magic talents.

Nakuhanan pa ng video ang maghigpit na yakapan ng dalawa.

Sa panayam kay Loisa ng Tonight With Boy Abunda noong Biyernes, May 31, ikinuwento niya kung paano sila nagkaayos ni Maris.

Continue reading below ↓

Lahad niya, "Nag-contact kami sa isa’t isa na parang huwag na lang natin palakihin kasi wala naman talaga tayong problema.

"Hanggang sa naging maayos na talaga, nagkaroon po kami ng dinner.

"'Tapos biglang nagbalik sa normal, parang yung kuwentuhan, naging okay na po."

Ayon kay Loisa, hindi na nila pinag-usapan ni Maris ang di nila naging pagkakaunawaan.

Sabi niya, "Parang hindi namin pina-awkward yung sitwasyon.

"Parang wala, walang nangyari.

"Ito tayo, magkaibigan tayo, ganun pa rin."

Pagkatapos ng pagbabati nila noong April 2019 ay nag-duet pa ang dalawa sa concert ni Loisa noong May 15.

Ayon kay Loisa, siya mismo ang pumili ng kinanta nilang may pamagat na "Kaibigan Mo."

Naging malapit na magkaibigan sina Loisa at Maris nang maging housemates sila sa Pinoy Big Brother All In noong 2014.

Noong 2018, sinabi ni Maris na nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan dahil sa patuloy na pagkukumpara sa kanila ng kanya-kanyang fans.

Sa panayam kay Maris ng Tonight With Boy Abunda noong 2018, sinabi niyang magkaibigan pa rin sila, pero nawala na ang closeness nila.

Continue reading below ↓

Sa isa namang interbyu kay Loisa, sinabi niyang nagulat siya sa rebelasyon ni Maris at hindi niya alam na may misunderstanding pala sila.

Ito ay hanggang sa nangyari ang pagkakaayos nila noong April 2019.

Noong Linggo, May 26, sabay na rumampa sina Loisa at Maris, kasama ang kaibigang si Sue Ramirez, sa red carpet ng Lights, Camera, Magic event ng Star Magic.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Loisa Andalio on rekindling friendship with Maris Racal: "Hindi namin pina-awkward yung sitwasyon."
PHOTO/S: @twba / @starmagicphils on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results