Carlo Aquino asks netizens to stop bashing rumored girlfriend, close friends

by James Patrick Anarcon
Jun 2, 2019
Carlo Aquino to netizens: "Walang ibang may kasalanan kung hindi AKO. Sorry sa lahat ng ginawa ko. Kung magagalit kayo. Sa akin kayo magalit. Hindi sa ibang tao."
PHOTO/S: @styledwithabang on Instagram

Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Carlo Aquino tungkol sa patuloy na pambabatikos ng ilang bashers at netizens sa kanya at sa rumored girlfriend nito, ang model na si Trina Candaza.

Sa kanyang Instagram story kahapon, June 1, nag-post si Carlo ng pakiusap na tigilan na ang pambabash kay Trina at sa iba pang taong malapit sa kanya.

Sabi pa ni Carlo sa kanyang post, wala daw ibang may "kasalanan" sa mga pangyayari kung hindi siya kaya sa kanya na lang daw magalit ang mga tao.

Hindi man binanggit ni Carlo ang "kasalanan" na kanyang tinutukoy, maaaring ang pinag-ugatan nito ay ang hidwaan niya at ng ex-girlfriend at ka-love team niyang si Angelica Panganiban.

Saad ni Carlo sa kanyang post (published as is), "Walang ibang may kasalanan kung hindi AKO. Sorry sa lahat ng ginawa ko.

"Kung magagalit kayo. Sa akin kayo magalit. Hindi sa ibang tao. Hindi kay Trina kay Mets kay Josh o kay Khang. Sa akin. Dahil ako ang nagdesisyon.

Continue reading below ↓

"Huwag niyo na po idamay ang ibang tao dahil wala silang kasalanan. Lahat ng galit ninyo tatanggapin ko pero huwag niyo lang ipasa sa ibang tao dahil wala silang ginawa."

Taong 2018 nang maging tampok ng espekulasyon ang posibilidad na magkabalikan sina Carlo at Angelica.

Noong March 2018, naiulat ang pagbabakasyon ng dalawa kasama ang ilang kaibigan sa Australia. Nagtuksuhan pa sila noon kung sino sa kanila ang "pa-fall" at kung sino ang "victim."

Continue reading below ↓

Marami sa kanilang mga tagasuporta ang umasang muli silang magkakamabutihan, lalo na nang magkatrabaho sila sa pelikulang Exes Baggage na ipinalabas noong September 2018.

Nasubaybayan din ang bawat post nina Angelica at Carlo sa kani-kanilang Instagram accounts, na nagpapahiwatig ng kanilang closeness mapa-likod o harap man ng kamera.

Noong December 25 ay sabay pa nilang ipinagdiwang ang Pasko kasama ng pamilya ni Angelica.

Ngunit noong January 2019, bigla na lamang nagkaroon ng gap sa pagitan ng dalawa.

Noong January 9, nagdesisyon si Angelica na i-unfollow si Carlo sa Instagram.

Ayon kay Angelica, nasaktan siya sa pambabatikos ng ilang fans ni Carlo na nadedehado raw ang aktor sa kaka-post ng aktres.

Iiwasan na lang daw niya si Carlo para hindi na lang din siya makagulo sa buhay nito.

January 15 naman nang mag-post si Angelica ng cryptic tweets tungkol sa pagiging heartbroken.

Hindi man niya tinukoy kung kanino siya nasaktan, marami ang haka-hakang si Carlo ang dahilan.

Continue reading below ↓

Ilang araw matapos ang tweets ni Angelica ay lumabas ang mga litrato ni Carlo kasama ang isang non-showbiz girl, na nakilalang si Trina Candaza, isang model.

Noong February 27, kinumpirma ni Carlo sa ABS-CBN News na totoo ang kumalat na litrato kasama ang non-showbiz girl, subalit hindi na siya nagdetalye tungkol sa ugnayan nilang dalawa.

Sa finale press conference naman ng teleseryeng Playhouse noong March 12, sinabi ni Angelica na hindi na sila magkaibigan ni Carlo.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Aquino to netizens: "Walang ibang may kasalanan kung hindi AKO. Sorry sa lahat ng ginawa ko. Kung magagalit kayo. Sa akin kayo magalit. Hindi sa ibang tao."
PHOTO/S: @styledwithabang on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results