Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Universal Studios Singapore

by Rachelle Siazon
Jun 3, 2019
More than a week after Arjo Atayde introduced Maine Mendoza to his parents, the two lovebirds squeeze in a fun weekend getaway at Universal Studios Singapore.
PHOTO/S: @mainedcm / @everythingarmaine / @arjoatayde Instagram

Hindi nakaligtas sa mga masugid na tagasubaybay nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang kanilang pagbabakasyon sa Singapore nitong weekend.

Kahapon, June 2, mabilis na kumalat sa social media ang ilang larawan nilang kuha sa Universal Studios sa Singapore.

Nakunan ng litrato sina Maine at Arjo habang sila ay nakaupo sa isang tabi at tila nagba-browse ng cell phone ng dalaga.

Twinning pa ang dalawa na nakasuot ng white shirt at pants at parehong may dalang backpack.

Continue reading below ↓

Base sa litratong ibinagi ng netizens, todo-ngiti sina Maine at Arjo na pumayag magpakuha ng litrato sa humigit-kumulang apat na grupo ng mga Pinoy na nakakita sa kanila sa Universal Studios.

May mga nakasabay rin sa eroplano ang couple pauwi rito sa Manila, nitong madaling-araw ng Lunes, June 3.

Marahil ay balik-trabaho rin ang dalawa, bilang regular host si Maine ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga! at regular din ang taping ni Arjo para sa ABS-CBN prime-time series na The General's Daughter.

Continue reading below ↓

ALL-OUT IN LOVE IN PUBLIC

Solo pictures lang ng kanilang Singapore trip ang ipinost nina Maine at Arjo sa kani-kanilang Instagram account kahapon.

Gayunman, malinaw na kumportable na silang makunan ng litrato na magkasama, kumpara noong una nilang pamamasyal sa Star City, isang theme park sa Pasay City, noong Marso.

Continue reading below ↓

Noon ay may mga pagkakataong nagsuot pa ng mask ang dalawa habang sakay ng rides.

Ngayon, hindi lingid sa kaalaman ng mga tagahanga nina Maine at Arjo na mas lumalalim ang relasyon ng dalawa.

Lalo pa't noong May 4 ay kasama pa ni Maine si Arjo sa isang belated birthday party para sa dalaga na inorganisa ng kanyang fans.

Namataan doon kung gaano ka-sweet si Arjo, na nakitang humalik sa braso at sa ulo ni Maine.

STORIES WE ARE TRACKING

MEETING ARJO'S PARENTS

Naiulat din kamakailan ang pormal na pagpapakilala ni Arjo kay Maine sa mga magulang ng binata.

May 23 ng gabi nang imbitahan daw ni Arjo si Maine na mag-dinner sa bahay ng pamilya Atayde.

Base ito sa ulat ni Reggee Bonoan, entertainment reporter ng Bandera, noong May 25.

Kinumpirma raw ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez na itinaon ng binata na naroon din ang ina ng aktres, dahil malapit daw sa lola ang binata.

Continue reading below ↓

Ano ang impression ni Sylvia kay Maine?

"Napakasimple ni Maine, marespeto wala akong naramdaman na, 'ako si Maine Mendoza' o 'sikat ako,'" saad ni Sylvia, na malinaw na boto kay Maine para kay Arjo.

"Napaka-jolly niya, basta simpleng tao. Ganun yung ugaling gusto ko."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
More than a week after Arjo Atayde introduced Maine Mendoza to his parents, the two lovebirds squeeze in a fun weekend getaway at Universal Studios Singapore.
PHOTO/S: @mainedcm / @everythingarmaine / @arjoatayde Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results