KC Concepcion responds to netizen belittling her business venture

by Bernie V. Franco
Jun 4, 2019
KC Concepcion responds to netizen criticizing her business venture. The actress launched her custom, made-to-order jewelry line Avec Moi in March 2018.
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram

Sinagot ni KC Concepcion ang isang netizen na minaliit ang negosyong itinayo ng aktres.

Nagsimula ito nang mag-post sa Instagram ang 34-anyos na anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion tungkol sa unang anibersaryo ng kanyang jewelry business, ang Avec Moi, nitong Lunes, June 3, 2019.

Ini-launch ni KC ang kanyang negosyo noong March 2018.

Sa post, inalala ni KC ang mga hirap na pinagdaanan niya para itayo ang kanyang “small business.”

Sa kabila ng hirap ay masaya raw siya sa kanyang ginagawa.

Sa mga dating post si KC, binanggit niyang bata pa lamang ay mahilig na siya sa mga alahas dahil sa impluwensiya ng kanyang yumaong maternal grandmother na si Elaine Cuneta.

“I’m going crazy keeping up with @avecmoijewelry! Haha! Having a startup, or small business, is not easy at all but I love the challenge!” bahagi ng mensahe ni KC.

Continue reading below ↓

KC RESPONDS TO CRITIC OF HER BUSINESS VENTURE

Umani ng papuri si KC mula sa netizens, pero may isang netizen na kinutya ang kanyang negosyo.

Batikos ng basher: “What happened with ur degree taken in Paris???

"Sus…magbebenta ka lang pala ng mga alahas! Nag Paris ka pa.

"At MBA pa ngayun? Pagkatapos ng MBA, baka magbenta ka na rin ng mga pre loved."

Continue reading below ↓

Hindi naman napigilan ni KC ang sariling sagutin ito.

Buwelta niya sa netizen: “@vawn_dawn If you do not see what I have been doing with my degree then maybe you would benefit from getting an education. All the best, dear!”

Si KC ay nagtapos ng International Communications sa The American University of Paris, France noong August 9, 2007.

Continue reading below ↓

Noong nakaraang taon, kumuha si KC ng tatlong jewelry courses sa California, U.S.A. para sa kanyang negosyo.

Read Next
Read More Stories About
avec moi, KC Concepcion
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion responds to netizen criticizing her business venture. The actress launched her custom, made-to-order jewelry line Avec Moi in March 2018.
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results