Julia Barretto, Joshua Garcia cryptic messages spark breakup rumors

by Bernie V. Franco
Jun 5, 2019
Juia Barretto: "I am very much in love with the peace I had gained just recently. It’s not with anybody, it’s not about…"
PHOTO/S: @garciajoshuae on Instagram

Usap-usapan ngayon sa showbiz ang breakup diumano nina Joshua Garcia at Julia Barretto, na kilala rin sa tawag na JoshLia.

Nagsimula ito sa blind item kung saan marami sa netizens ang nagkomento at humulang ang dalawang Kapamilya artists ang tinutukoy na showbiz couple na naghiwalay.

Lalo pang umigting ang haka-hakang may katotohanan ang balita dahil sa matalinhagang pahayag nina Joshua at Julia nitong mga nakalipas na araw.

JULIA BARRETTO ASKED IF SHE IS IN LOVE RIGHT NOW

Noong June 1, in-upload ng Kapamilya actress na si Erich Gonzales ang vlog interview niya kay Julia na may pamagat na “TRUE OR FALSE WITH JULIA BARRETTO.”

Sa isang punto ng interview, sinagot ni Julia ang tanong kung siya ay “in love right now.”

Sagot niya, “I would have to say true.”

Pero may disclaimer ang anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Ang sagot niyang “in love” ay hindi lamang daw patungkol sa isang tao o sa aspetong romantic love.

Continue reading below ↓

“I am very much in love with the peace I had gained just recently.

"It’s not with anybody, it’s not about…" at natigilan si Julia.

Sa kanyang pagpapatuloy ay nagpaliwanag ang dalaga.

Saad niya, “Sorry, sorry... I’m not trying to say I’m not in love with anybody…

“It’s not to be with [a] person or in love, ha…

“I’m just in love with the peace that I gained.

“Siyempre, you also go through a phase where you kind of lose yourself and kind of lose your peace, because minsan may mga nakakasama ka na hindi mo alam na yun ang nagdi-disturb ng inner peace mo.

“There’s some toxic people that you still entertain in the hope na sana hindi siya yung nagdi-disturb ng inner peace mo.

“Sometimes you have to come face-to-face with reality and with the fact na there’s some people who really disturb that peace, and then it takes a lot of courage and strength to acknowledge that fact.

Continue reading below ↓

“Sometimes you gotta choose what’s gonna be yung pangmatagalan, yung [for] your own good, yung makakabuti sa soul mo.”

Ayon pa kay Julia, ang pagkakaroon ng kapayapaan sa puso, isipan, at kaluluwa “will translate with the way how you treat other people.”

Dugtong niya, “If you’re nice to yourself, you’re nice to other people.

“Now I have peace, it’s been good at work, it’s been good with friendships with other people, with relationships with my family."

Sa 25-minute interview ni Julia, kapansin-pansing hindi niya binanggit si Joshua.

Pero nagsalita ang dalaga tungkol sa kanyang mga breakup at dating relasyon.

“Now I’m in love with the person that I am that I found,” pahayag niya.

JULIA BARRETTO ABOUT LETTING GO

Ganito rin ang naging sagot ni Julia sa press conference ng pelikula niya kasama si Gerald Anderson, ang Between Maybes, noong May 2.

Continue reading below ↓

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Julia at Gerald kung naranasan na ba nilang piliin ang career at isakripisyo ang pag-ibig.

Makahulugan ang sagot ni Julia.

Inamin niyang may recent siyang karanasan kung saan kinailangan niyang mamili sa pagitan ng pag-ibig at karera.

Hindi nagdetalye si Julia kung sino ang taong tinutukoy niya, pero malinaw na ang taong ito ay malapit sa kanya.

Pahayag noon ng aktres: “Ako, honestly, I was in that situation not too long ago.

“Pero you have to weigh things din, e, yung priorities mo… worth it ba yung tao.

“Is he on the same page? Are you both willing to fight for it?

“Kasi kung ikaw din lang naman e, di, wag na.

“Ipaglaban mo na lang din yung sarili mo. Longevity sa pangmatagalan…

“Siyempre, that’s communication also… talking about what’s best for the two of you…

Continue reading below ↓

“Kung kayo rin ang nakakasira sa dalawa, then you gotta let each other go if you love each other.

“You choose what’s the best for the both of you, hindi yung one-sided.”

Sa parehong event, sinabi rin ni Julia na nagkasundo sila ni Joshua na gumawa ng hiwalay na proyekto.

JOSHUA’S CRYPTIC TWEET

Nito lamang Lunes, June 3, nag-post ng cryptic message sa Twitter si Joshua.

Aniya, “i’m a thinker, not a talker.”

Continue reading below ↓

Nagpahayag naman ng kanilang pagmamahal ang fans kay Joshua.

Hindi man direktang binanggit ng netizens, may mga tumukoy sa pagiging vocal ni Julia sa kanyang personal na buhay, gaya na lamang ng interview nito kay Erich.

Hindi naman maiiwasan ang pagbanggit ng ibang netizens kay Julia at ang tungkol sa rumored breakup nila.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

DIMPLES ROMANA INSTAGRAM POST

Samantala, may mga nakapansin din sa isang Instagram post ng aktres na si Dimples Romana kamakailan.

Ito ay ang larawan kunsaan kasama niya sina Joshua, Julia, Maris Racal, at direktor na si Mikhail Red habang kumakain sa restaurant.

Magkakasama sila sa upcoming zombie movie na Block Z.

Continue reading below ↓

May fans na nabuhayan ng loob na makitang magkasama ang JoshLia sa gitna ng isyu tungkol sa kanilang pagsasama.

Ngayong Miyerkules, June 5, nagpaabot ng mensahe ang PEP.ph kina Joshua at Julia, sa pamamagitan ng kanilang talent management na Star Magic, upang kunan ng pahayag tungkol sa napapabalitang breakup nila.

Continue reading below ↓

Naghihintay pa kami ng kanilang sagot.

Ganunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph sa kanilang panig tungkol sa isyu.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juia Barretto: "I am very much in love with the peace I had gained just recently. It’s not with anybody, it’s not about…"
PHOTO/S: @garciajoshuae on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results