Mari Jasmine speaks up about coming out to 88-year-old grandma

by Rachelle Siazon
Jun 6, 2019
Mari Jasmine on casual conversation with her grandma about her sexual orientation: "I have to keep coming out again and again to my 88 year old grandma because her memory isn’t so good anymore."
PHOTO/S: @marijasmine Instagram

Diretsahang ibinahagi ng model/host/blogger na si Mari Jasmine na tanggap ng kanyang lola ang kanyang sexual orientation.

Hindi raw isyu sa 88-year-old grandmother niya kung boyfriend o girlfriend man ang kanyang karelasyon.

Sa isang pag-uusap daw nila, kaswal na sinabi ni Mari sa kanyang lola na babae ang karelasyon niya.

"I have to keep coming out again and again to my 88 year old grandma because her memory isn’t so good anymore," saad ni Mari kalakip ang isang laughing emoji.

"The conversation usually goes like this:

"G: So do you have a boyfriend now?

"Me: No I have a girlfriend Granny"

Ipinahiwatig ni Mari na prangka rin ang kanyang lola at hindi nito kailangan ng mahabang paliwanag tungkol sa kanyang love life.

Simpleng tanong lang daw ng lola niya:

"G: Oh why a girl then?

"Me: I don’t know, that’s just who I fell in love with.

Continue reading below ↓

"G: Okay then. What’s our itinerary for today?"

MARI'S PAST ROMANCE

Sa showbiz circles, si Mari ay nakilala bilang ex-girlfriend ng Kapamilya actor-singer na si Sam Milby.

August 2016 nang kumpirmahin ni Sam na girlfriend na niya si Mari o sampung buwan mula nang unang maiulat na nasa dating stage sila.

Continue reading below ↓

Bandang September 2017 nang lumabas ang balitang hiwalay na sila, pero noon lamang March 2018 inamin ni Sam ang tungkol dito.

Nanatiling pribado ang ex-couple sa dahilan ng kanilang hiwalayan noon.

STORIES WE ARE TRACKING

PROUD LGBTQUIA+ MEMBER

July 4, 2018 nang unang isinapubliko ni Mari na isa siyang proud member ng lesbian, gay, transgender, queer, intersexual, and asexual community o LGBTQUIA+.

Bahagi ito ng kanyang pakikiisa sa pagdiriwang ng pride month ng LGBTQUIA+ community.

Inamin din noon ni Mari ang tungkol sa relasyon nila ni Samantha Lee, director ng pelikulang Baka Bukas.

"My dream is for the same kind of love, compassion, and understanding to be shown to the LGBTQIA+ community.

"We still have a long way to go to reach acceptance and equality, especially here in the Philippines.

"My dream is to live in a world where I feel safe walking down the street holding my girlfriend’s hand.

"A world where I have the same fundamental human rights that I would be entitled to if I were in a straight, heteronormative relationship."

Continue reading below ↓

CELEBRATING PRIDE MONTH

Ngayong June 2019, muling nakiisa si Mari sa pagdiriwang ng pride month.

Sabi niya sa kanyang Instagram post noong June 2: "Happy #PrideMonthy’all."

Kalakip nito ang tatlong rainbow emojis, na karaniwang ginagamit na simbolo sa pagsuporta sa LGBTQUIA+.

Sa kanyang post tungkol sa usapan nila ng kanyang 88-year-old grandmother, ilan sa mga kaibigan ni Mari mula sa showbiz ang naghayag ng suporta sa kanyang pakikibahagi sa pride month.

Continue reading below ↓

Kabilang dito sina Bianca Gonzalez, Janine Gutierrez, Benjamin Alves, at Rovilson Fernandez.

MARI JASMINE AND SAMANTHA LEE

Emojis na nakataas ang isang kamay naman ang tanging komentong iniwan ni Samantha, ang huling napabalitang karelasyon ni Mari.

Continue reading below ↓

Noong Abril, may ilang netizens na nakapansing naka-unfollow sa isa't isa sina Mari at Samantha sa Instagram.

Hindi malinaw kung hanggang sa kasalukuyan ay magkasintahan pa rin sila.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mari Jasmine on casual conversation with her grandma about her sexual orientation: "I have to keep coming out again and again to my 88 year old grandma because her memory isn’t so good anymore."
PHOTO/S: @marijasmine Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results