Shopee Philippines apologizes to outraged Blackpink fans; DTI to probe incident

by Nikko Tuazon
Jun 7, 2019
BlackPink members (L-R) Rosé, Jennie, Lisa, and Jisoo meet some of their Filipino fans at a meet-and-greet event organized by Shopee Philippines on Thursday, June 6, at the Samsung Hall of SM Aura in Taguig City.
PHOTO/S: Courtesy of Vince Bern / Philippine Concerts

Humingi ng dispensa ang online retailer na Shopee Philippines matapos nilang umani ng batikos mula sa Filipino fans ng popular South Korean girl group na Blackpink.

Kahapon, June 6, ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura sa Taguig City ang meet-and-greet event ng Blackpink na inorganisa ng Shopee Philippines.

Ikinagalit ng ilang fans ng Blackpink—na kung tawagin ay Blinks—ang diumano'y "pag-scam" sa kanila ng online shopping platform.

Naging trending topic pa nga sa Twitter kahapon ang hashtag na #SHOPEESCAM.

Kabilang sa mga akusasyon ng ilang fans ng Blackpink ay ang dagliang pagpapalit ng Shopee Philippines ng mechanics upang manalo ng tickets sa nasabing event.

Ilang fans din ang hindi umano nakatanggap ng ticket kahit kabilang sila sa "top spenders" ng Shoppee.

Daing pa ng ibang fans, hindi patas ang proseso sa pamimigay ng tickets para sa event.

Ang ilan daw sa kanila ay binawian ng ticket.

Continue reading below ↓

Binatikos ng Pinoy Blinks ang pag-imbita at pag-prioritize ng organizers sa mga artista at influencers para sa nasabing event.

Continue reading below ↓

SHOPEE PH APOLOGIZES

Kaugnay nito, nag-issue ng apology letter ang Shopee Philippines sa kanilang Facebook page.

Hinikayat din ng shopping platform ang mga apektado ng mga nabanggit na isyu na makipag-ugnayan sa kanilang team.

Ang kanilang buong statement: "Dear Shopee users and BLACKPINK fans,

"We would like to sincerely apologize for the issues involving the Shopee x BLACKPINK meet-and-greet today in Manila.

Continue reading below ↓

"We hear your feedback loud and clear, and we understand that the event fell short of the high standards that Shopee users and BLACKPINK fans expect.

"Although we took immediate steps as soon as we discovered the problems to ensure the rightful winners of our contest could claim their prizes, we know that the entire process caused confusion, disappointment, and upset for many.

"We are reaching out to all those affected by this issue, and we are also taking steps to ensure that such an incident does not occur again in the future."

Continue reading below ↓

DTI TO PROBE #SHOPEESCAM

Samantala, ayon sa ulat ng GMA News, sinisimulan nang imbestigahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang nangyaring kaguluhan sa meet-and-greet event ng Shopee Philippines.

Pagkumpirma ni DTI Secretary Ramon Lopez sa pamamagitan ng text message sa GMA News ngayong araw, "Yes, DTI is investigating."

Kabilang sa mga iniimbestigahan ng DTI ay kung sino ang mananagot sa nasabing isyu.

Pahayag ni Sec. Lopez, "It depends kung kaninong promo—from the band or from Shopee?"

Dagdag pa nito, dapat managot ang kumpanya sa kanilang customers na apektado ng isyu at kung sakaling mapatunayang may na-violate na rules sa kanilang promo.

Aniya, "If violations of rules are found, penalty for the company doing the promo is P300,000."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BlackPink members (L-R) Rosé, Jennie, Lisa, and Jisoo meet some of their Filipino fans at a meet-and-greet event organized by Shopee Philippines on Thursday, June 6, at the Samsung Hall of SM Aura in Taguig City.
PHOTO/S: Courtesy of Vince Bern / Philippine Concerts
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results