Sylvia Sanchez "confirms" relationship of son Arjo Atayde with Maine Mendoza

by Arniel C. Serato
Jun 7, 2019
Sylvia Sanchez on relationship status of son Arjo Atayde and Maine Mendoza: "Para dalhin sa bahay at i-introduce sa pamilya namin at ipaglaban ang isa’t-isa, kailangan pa ba ng eksplanasyon niyan?"
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Nakaharap na sa wakas ni Sylvia Sanchez si Maine Mendoza, 24, ang napabalitang girlfriend ng anak ng veteran actress na si Arjo Atayde, 28.

Naganap ang kanilang pagkikita sa tahanan ng pamilya Atayde noong May 23.

Kahit hindi pa pormal na umamin sina Arjo at Maine sa totoong estado ng kanilang "exclusively dating" na relasyon, para kay Sylvia, seryoso na ang dalawa.

“Para dalhin sa bahay at i-introduce sa pamilya namin at ipaglaban ang isa’t isa, kailangan pa ba ng eksplanasyon niyan?” pahayag ni Sylvia sa panayam sa kanya ni Ricky Lo na lumabas sa column nito sa PhilStar Online ngayong araw, June 7.

Kuwento pa ng aktres sa pagkikita nila ng Kapuso phenomenal star, “She was respectful, pleasant na bata.

"Her first words were, 'Hi po, Tita!'

"She seemed shy when Arjo introduced her to me.

"Ang lamig-lamig ng kamay niya!”

NICOMAINE MENDOZA

Umabot daw ng apat na oras ang bonding nila sa kanilang bahay.

Continue reading below ↓

Saad pa ni Sylvia, “The whole time, ang gaan ng feeling ko sa kanya.

"We were at the [dining] table for more than four hours.

"Hindi ko naramdaman na, ‘Hey, I am Maine Mendoza; sikat ako!’ Nothing like that.

"She introduced herself as Nicomaine Mendoza, her real name, so it meant that she was there not as Maine Mendoza the star, but Nicomaine Mendoza the private person.

"She was nice even to our kasambahay when Arjo introduced her to them.”

Nitong nakaraang June 2 lamang, magkasama sina Arjo at Maine na nagpunta sa Universal Studios sa Singapore.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez on relationship status of son Arjo Atayde and Maine Mendoza: "Para dalhin sa bahay at i-introduce sa pamilya namin at ipaglaban ang isa’t-isa, kailangan pa ba ng eksplanasyon niyan?"
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results