Vice Ganda "happy" with rumored boyfriend Ion Perez

by Bernie V. Franco
Jun 7, 2019
Vice Ganda responds to netizen who asked about real score between him and rumored boyfriend Ion Perez.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram / Photo grabbed from It's Showtime

Naging makahulugan ang sagot ni Vice Ganda nang tanungin kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila ni Ion “Kuya Escort” Perez.

“Happy naman ang mga buhay namin ni Ion, that’s the real score.

“Ion and I are both happy,” pahayag ni Vice sa kanyang book launching nitong June 6, Huwebes.

Magkasama sina Vice at Ion sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Nagsimula silang ma-link noong 2018.

Wala mang direktang pag-amin sa tunay na estado ng kanilang relasyon, makahulugan ang mga binibitawang salita nina Vice at Ion sa isa’t isa dahilan upang magsuspetsang may espesyal na namamagitan sa kanila.

Sa isang episode ng Gandang Gabi, Vice noong Marso, inamin ni Vice na espesyal si Vice sa kanya.

Sa birthday clelbration naman ni Vice sa It’s Showtime noon ding Marso, sinabi nitong ang birthday wish niya ay suportahan siya ng mga tao pagdating sa kanyang love life.

Continue reading below ↓

Nito lamang Mayo, makikita sa videos at photos na ipinost ni Vice sa Instagram na kasama niyang namasyal sa Canada ang kanyang ina at si Ion.

VICE ON BASHERS OF IDOL PHILIPPINES JUDGES

Nagbigay rin ng pahayag si Vice tungkol sa bashers ng mga kapwa niya hurado sa reality TV singing competition sa ABS-CBN, ang Idol Philippines.

May mga kumukuwestiyon kasi sa kredibilidad at kakayahan nina Vice, Moira dela Torre, at James Reid bilang mga hurado ng show.

May mensahe ba si Vice sa bashers nila?

Tugon niya, “Wala! E, mga basher nga 'yan, bakit ako mag-i-explain sa kanila?

“Kahit anong explain mo, yung mga taong ayaw sa ‘yo, kahit anong explain mo, hindi sila makikinig.

"Pero yung mga taong mahal ka, kahit hindi ka mag-explain, mauunawaan ka.

"Lahat naman ng tao may masasabi sa isa't isa. That’s life. Accepted ko na yun."

Ang isa pang Idol Philippines judge ay ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda responds to netizen who asked about real score between him and rumored boyfriend Ion Perez.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram / Photo grabbed from It's Showtime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results