Glaiza de Castro's BlackPink video accidentally photobombed by Kim Chiu

by Rachelle Siazon
Jun 8, 2019
Kim Chiu (R) to Glaiza de Castro: "sorry nasira ko view mo nahiya ako!!"
PHOTO/S: @glaizaderux / @chinitaprincess Instagram

Nakakatuwa ang palitan ng mensahe ng Kapuso star na si Glaiza de Castro at Kapamilya star na si Kim Chiu na parehong dumalo ng BlackPink meet and greet event sa Manila.

Excited na kumuha sila ng kani-kanilang videos nang lumabas ang BlackPink members na sina Jisoo, Lisa, Rose, at Jennie sa stage.

Sa kuhang video ni Glaiza, aksidenteng nahagip ng kanyang camera si Kim na tuwang-tuwa ring nagbi-video at todo-kaway sa camera habang nasa stage ang BlackPink.

"Highlight of my life," saad sa caption ni Glaiza na masayang nakita nang malapitan ang sikat na K-pop girl group.

Continue reading below ↓

Napa-comment si Kim sa video ni Glaiza nang mapansing kasama siya rito.

Apologetic na mensahe ng Kapamilya star kalakip ang monkey-with-eyes-closed emojis:

"moms!! huli ako dito ah!! sorry nasira ko view mo nahiya ako!! haha"

Paglilinaw naman ni Glaiza, "Ano ka baaa ang cute mo kayaaaa"

Isa ring netizen ang nakapansin na nahagip si Kim sa video ni Glaiza.

Continue reading below ↓

Ani Glaiza, hindi lang siya sa BlackPink na-starstruck kundi pati kay Kim Chiu.

Magkaiba man ng TV networks, ang common denominator ng dalawa ay pareho nilang kaibigan si Angelica Panganiban.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu (R) to Glaiza de Castro: "sorry nasira ko view mo nahiya ako!!"
PHOTO/S: @glaizaderux / @chinitaprincess Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results