Shamaine Buencamino emotional over moment when she almost left husband Nonie

by Rachelle Siazon
Jun 8, 2019
Shamaine and Nonie Buencamino recall how they surpassed his drug addiction, their financial struggles, and the sudden death of their daughter Julia.
PHOTO/S: @shamainebuencamino Instagram

Hindi napigilan ni Shamaine Buencamino na mapaluha nang alalahin niya ang pinakamalaking dagok sa buhay-mag-asawa nila ni Nonie Buencamino sa loob ng 29 taon.

"Well, ako, yung unang pinakamalaking hirap na dinanas ko—tignan mo nahihirapan pa rin ako—Nonie went through addiction.

"And it came to a point where I had to choose to fight for our marriage, to fight for us to stay together, or to leave him kasi hindi ko alam where it will lead him."

Aminado si Shamaine na muntik na raw siyang mawalan ng pag-asa noon.

"He was making empty promises," kuwento niya sa July 7 episode ng ABS-CBN talk show na Magandang Buhay.

"Di ba, ang taong naapektuhan ng droga, nawawala sa kanilang sarili?

"So naghanap ako ng rehab. And buti na lang Nonie valued our marriage enough to agree because at first, ayaw niya rin talaga."

DAUGHTER'S SUDDEN DEATH

Itinuturing naman ni Nonie ang pagkamatay ng anak nila ni Shamaine na si Julia na isa sa pinakamabigat nilang pagsubok.

Continue reading below ↓

"Ang isa sa malaking challenge ay, halimbawa, ikaw masamang-masama ang pakiramdam mo, 'tapos yung ka-partner mo at mga kasama mo sa bahay, ganun din.

"So dapat turn by turn kayo. 'Tapos hindi kayo dapat nawawalan ng pag-asa sa buhay."

Si Julia—na noo'y cast member ng ABS-CBN day-time series na Oh My G!—ay kinitil ang sariling buhay noong July 7, 2015.

Huli na nang nadiskubre ng mag-asawa ang pinagdaanang depression ng kanilang anak base sa journals at drawings nito.

STORIES WE ARE TRACKING

NONIE AND SHAMAINE'S FINANCIAL STRUGGLES

Naikuwento rin nina Nonie at Shamaine na dumaan sila sa financial struggles noong bagong kasal pa lang sila, at nagsisimula bilang mga aktor sa teatro.

Ultimo ang kasal nila ay mga kaibigan at kasamahan sa trabaho ang gumastos.

Balik-tanaw ni Shamaine: "We were in the theater community. Ang aming wedding, parang they made it possible.

"Ang direktor namin, siya bumili ng rings. May nag-sponsor ng reception, yung ganun.

Continue reading below ↓

"Yung stage manager, yung production manager, sila yung nag-arrange ng logistics, nag-solicit ng funds."

Tandang-tanda naman ni Nonie na ang tanging binayaran nila ni Shamaine ay ang kanilang wedding certificate worth PHP2,000.

"Wala kasi kaming pera noon!" nakangiting bulalas ni Shamine. "Ang suweldo lang namin PHP3,000."

Hirit ni Nonie, tig-PHP3,000 "each a month" daw sila ng aktres.

Kinalaunan, si Nonie na raw ang gumawa ng paraan upang makaangat sila sa buhay.

"Sa amin, pag-start, financial talaga, because we were both earning very little.

"And then theater, it was more for the soul.

"Nung nabuntis ako, that's when Nonie decided to leave the company and go into show business. Yun talaga ang nag-push sa kanya."

SHAMAINE, NONIE ON KEEPING THE FAITH

Sa lahat ng bagyong pinagdaanan nila, ang kanilang pananampalataya raw ang naging sandigan nina Shamaine at Nonie.

"Ang major sa amin, yung faith.

"Yung mga times na grabe yung problema or yung dahilan na para maghiwalay, napakasuwerte ko na I really hear God.

Continue reading below ↓

"I'm guided, alam mo yun?"

Patuloy ni Shamaine, "Sa halip halimbawa na i-confront ko siya, ang naririnig ko is, 'Call this friend.'

"So di ko siya kino-confront muna. Kakausapin ko yung friend ko. And then yung kaibigan ko will help me to deal with the problem—lalo na yung mas mahaba na yung experience kaysa sa amin.

"Iyan yung nag-uumpisa pa lang kami."

NONIE AND SHAMAINE'S COMMITMENT TO EACH OTHER

Malaking bagay din para kay Nonie na friendship ang pundasyon ng kanilang marriage ni Shamaine.

Bago raw kasi sila naging magkasintahan noon ay naging magkaibigan muna sila at madalas na nagkakausap.

Hirit pa ni Shamaine, ni hindi raw sila dumaan sa ligawan stage.

Sa huli, ito ang pinanghahawakan nila sa kanilang matatag na relasyon:

"It's a choice to stay together.

"If you believe in your vows and you believe that God has put you together, then let no man put you apart.

Continue reading below ↓

"It's a vow, so keep to your vow—'Til death do as part.'"

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shamaine and Nonie Buencamino recall how they surpassed his drug addiction, their financial struggles, and the sudden death of their daughter Julia.
PHOTO/S: @shamainebuencamino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results