Noel Cabangon stands by good friend Jim Paredes amid video scandal

by Rommel Gonzales
Jun 8, 2019
OPM stalwart Noel Cabangon affirms support for good friend and colleague Jim Paredes amid the latter's recent video scandal: “I told him that I support him. I also admire his courage that he told the truth."

Bilang isang kilalang OPM icon, hiningan namin ng reaksyon ang singer/songwriter na si Noel Cabangon tungkol sa naging isyu ng isa pang tanyag na OPM artist na si Jim Paredes, na kilala rin bilang isa sa mga miyembro ng grupong Apo Hiking Society.

Nasangkot sa isang sex video scandal si Jim nitong Abril.

Lahad ni Noel, “Well, ang comment ko dun, that’s really personal e, so I cannot really... di ba?

“I believe na that shouldn’t have been on social media, in the first place, because it’s supposed to be private.

“So kaya nagkaroon na ng buzz, it was because it was there, on social media.”

Magkaibigan sila ni Jim.

“Yeah, I’m very close to Jim. I stand by him,” diin niya.

Nagka-textan daw sila ni Jim noong panahong mainit ang isyu.

Dagdag niya, “I told him that I support him. I also admire his courage that he told the truth.

Continue reading below ↓

“And sabi kong ganun, that’s really a private matter.

“It wasn’t supposed to be on social media.”

Ano ang isinagot ni Jim sa text niya?

Tugon niya, “'Maraming salamat, at least may mga kaibigan akong puwede ko talagang masasandalan.'”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Noel sa Kapag Boses Ang Puhunan mediacon ng Pharex’s Sorexidine gargle solution (kung saan celebrity endorser si Noel) sa Annabel’s restaurant sa T. Morato Ave. sa Quezon City nitong nakaraang Miyerkules, June 5.

BACK TO THEATER

Si Noel ay isa sa mga bagong cast members ng Rak of Aegis (ROA) stage musical na nasa ikapitong season na at itatanghal mula July 5 hanggang September 29 sa PETA Theater.

Bakit ngayon lang siya napasama sa ROA?

Tugon niya, “Busy, nung mga time na yun.”

Noon pa raw siya inaalok na sumali sa ROA.

Continue reading below ↓

“Because I’m also a member of PETA [Philippine Educational Theater Association], but at the same time it’s also a call of duty for me now and sabi ko handa na rin ako.

“Kasi medyo iba yung focus ko nung past seasons, e.

“So I had to focus on my other career.

“Kasi when you do theater, medyo malaki yung sacrifice na kailangan mong gawin.

“You have to really spend a lot of time.

“Hindi siya katulad ng concert na puwede kang simple lang yung mga preparations, but this one is really different, e.

“And I haven’t really done theater for eleven years now.”

Noong 2008 daw ay nagtungo sila ng grupo ng PETA sa Germany para sa isang theater festival.

Sa Rak of Aegis ay ka-alternate niya sina Robert Seña at Renz Verano.

May challenge pa rin ba sa kanya ito to think na mahusay siyang artist?

Continue reading below ↓

Mabilis niyang sagot, “Meron!”

Handa rin ba siya sa na makumpara kina Robert at Renz?

Paliwanag niya, “I just have to really create my own attack and my own characterization.

“Although given naman na yung character namin, tatay, pero dapat meron pa rin kaming kanya-kanyang atake.

“But siyempre ako, because nauna sila, I stll peg some of my characterization dun sa ginawa a nila.

“But since sasalang lang ako ng mga siguro late July na, kasi I need to really prepare and rehearse e, kasi medyo matagal na akong hindi nagpe-play.

“But in terms of singing naman, medyo madali lang ang singing, e.

“Aside from yung mga high notes, it’s really more of acting and yung pagkakabisado ng mga linya.”

Mas hirap daw siya sa pagkakabisa ng lines.

“Kasi ano na rin tayo, e... tuma-tanders na [tumatanda] kaya may memory plus na rin e,” at tumawa si Noel.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
OPM stalwart Noel Cabangon affirms support for good friend and colleague Jim Paredes amid the latter's recent video scandal: “I told him that I support him. I also admire his courage that he told the truth."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results