Eddie Garcia collapses at taping in Tondo; rushed to hospital

by Rachelle Siazon
Jun 8, 2019
Veteran actor Eddie Garcia collapses during an on-location taping in Tondo for his comeback series in GMA-7's Rosang Agimat. He was rushed to a hospital in Quezon City amid reports that he has been revived and is in stable condition.
PHOTO/S: Jerry Olea / Glaysa Apoya Facebook

Mabilis na kumalat sa social media ang mga larawan ng veteran actor na si Eddie Garcia na buhat ng ilang kalalakihan sa isang lugar sa Tondo, Manila, ngayong Sabado, June 8.

Sinasabing bigla na lamang umanong natumba si Eddie sa gitna ng on-location taping ng Rosang Agimat, isang upcoming series ng GMA-7.

Makikitang may isang lalaking naglagay ng cold compress sa ulo ni Eddie, habang buhat ng pitong kalalakihan ang beteranong aktor.

May isa pang lalaking nagtutok ng electric fan sa mga ito, dahil halatang tirik ang araw nang maganap ang insidente.

Continue reading below ↓

Kumalat din sa social media ang impormasyong na-comatose diumano si Eddie sa isang ospital sa Tondo.

Pero habang isinusulat ang artikulong ito, sinasabing "na-revive" na ang beteranong aktor at inilipat na sa isang ospital sa Quezon City.

Humingi na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng official statement mula sa GMA-7 hinggil sa insidente.

Agad namin itong ilalathala oras na matanggap namin ito.

Samantala, kinumpirma ng pamilya ni Eddie na inatake sa puso ang aktor at kasalukuyang "under critical observation."

Hiniling nila sa mga tagasuporta ng aktor na patuloy na isama sa panalangin ang mabilis na paggaling nito.

Sabi pa rito, "Our family would like to extend our sincerest gratitude to all those who have expressed concerns and extended prayers."

Ilan sa mga artistang naghayag ng kanilang panalangin ay sina Sharon Cuneta, Vice Ganda, Ogie Alcasid, Aiko Melendez, Sunshine Cruz, at Vivian Velez.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actor Eddie Garcia collapses during an on-location taping in Tondo for his comeback series in GMA-7's Rosang Agimat. He was rushed to a hospital in Quezon City amid reports that he has been revived and is in stable condition.
PHOTO/S: Jerry Olea / Glaysa Apoya Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results